Slipped
Schedule
Shocked and unable to talk with what Cassey said, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinauupuan. My regrets crept into me. Nagbalik tanaw agad ako sa huli naming pagkikita, habang bumubuhos ang malakas na ulan at tinatakpan ang aming mga luha, nangingibabaw ang sakit na hindi na nakontrol ang mga salita.
Pumikit ako at halos manginig habang nararamdaman ang luhang gumigilid na sa bawat sulok ng aking mga mata. I sighed and covered my face with my both palm.
"P-Pero nagtatrabaho pa rin sa hospital!" giit ni Cassey nang mapansing nanginginig na ako sa pag-iyak.
"He also got a clinic nearby their hospital... Pwede mo siyang puntahan doon at magpa schedule lang. Kung wala sa clinic, nasa hospital nila malamang dahil doon siya madalas busy," Cassey said.
Hindi iyon nakatulong para mapawi ang sakit na nararamdaman. I can imagine him being wrecked after blaming him.
"I told you to let her rest first," si Naia na matigas na ang boses.
"Malalaman niya rin naman 'yon," iritadong sabi ni Cassey.
"Tsss. Huwag kang nagkukwento ng kung anu-ano sa bata. Hindi ito isang problema na pwede nating panghimasukan katulad ng relasyon nila noon ni Grey na pwede tayong makapagbigay ng opinyon. This is a serious matter we can't invade," ani Naia.
"Alam ko! Hindi ako nanghihimasok. I don't want to hurt Rousseau with his father's current situation! Malay natin mag-iba ang ihip ng hangin dahil may bata na," Cassey said in her hopeful voice.
Pinalis ko ang aking mga luha at hindi maisantabi ang nalaman. Noong inalis ko ang aking mga kamay sa pagkakatakip ay naging mapungay agad ang mga mata ni Cassey habang nanatiling malamig ang kay Naia.
"He's a physician, Chey. Hindi na siya nag-ooperate pa pero hindi naman tumigil sa pagiging doctor," Cassey added to console my pain.
Bumuhos muli ang luhang hindi ko kayang pigilan. Ang pagsisisi ay mas lalong lumaki. It was my fault... Ang pinag-aralan niya ng matagal, ang pinili niyang landas ay sinukuan niya dahil lamang sa kakarampot na opinyong nanggaling sa fiance niyang namatayan. With the hurtful words, he lost the will to fight for his chosen profession. Nang dahil sa akin, nagawa niyang talikuran ang isang bagay na pinili niyang tahakin hanggang sa pagtanda.
I guess I'm the one who's the real killer here. I killed his dreams. I killed him.
Nanlumo ako ng husto. Hindi ko alam kung kaya ko bang makita siya pagkatapos ng nagdaan na taon at nalaman ang lahat ng ito. Mapapawi ba ng mga salita ko ang sakit na naiparamdam ko sa kanya? Noong mga panahong wala na siyang makapitan pa at ako na lamang, mas pinili kong tumalikod at mang-iwan.
"Patahanin mo 'yan," si Naia na sinamaan ng tingin si Cassey.
Cassey immediately went to me. Tumabi siya sa akin at niyakap ako.
"Tahan na, couz..." she whispered softly.
Pumikit ako at hindi alam kung paano na muling hahakbang sa itinayo kong mga plano pagkatapos madurog sa aking nalaman. Ang alam ni Rousseau ay busy siya sa pagsalba ng mga buhay! How will I explain to my son that he's no longer operating after his Lolo's death? Ano ang magiging reaksyon ng aking anak pag nalaman niyang dahil sa akin ay gumuho ang pangarap ng kanyang ama na kusa kong winasak at sinira sa aking mga salita?
Imagining Grey's pain pains me more. Imagining Rousseau's reaction kills me. Parang bumabalik ako sa bingit ng kamatayan at nakikita ang sarili sa bangin, pinipilit umatras at huwag tumalon sa kabila ng humihila sa akin para ihulog na lamang ang sarili.
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
Roman d'amourChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...