21st Slipped

62K 1.7K 449
                                    

Slipped

Planning

"May something ba kay Grey at Elaiza? Break na sila ni Chey?"

Iyon agad ang nasagap ng aking mga tainga sa umaga ng Lunes pagkapasok sa unang subject.

Obviously, they're talking about those photos that were taken days ago on someone's party. Magagalit na sana ako kaso napagtanto ko ring narinig ko na ang paliwanag ni Grey tungkol doon. People will fuel the nonsense issue and create a fire out of it. Kahit na hindi naman liliyab, talagang gagatungan para lang magkausok.

Tahimik kong inilabas ang aking textbook. Siguro ay hindi na nakapagtimpi ang isa sa mga tsismosa kong kaklase na nasa aking likuran kaya kinalabit na ang aking balikat.

"Chey... Nakita mo na ba 'to?" Ipinakita niya sa akin ang screen ng kanyang cellphone.

Kung anong litrato ang nakalap ni Cassey, iyon din ang kanya. Tumango ako na parang wala lang hindi kagaya sa mukha niyang sobrang concerned.

"May something ba sa kanila noong nursing na si Elaiza Biares?" she asked in a suspiscious tone.

"She pulled him. Hindi naman si Grey ang humawak." Nilakasan ko ang boses para umabot sa bawat tainga ng nasa classroom.

Muli kong ibinalik ang atensyon sa harap at binuklat ang libro kahit nanggigigil ako sa kanila. That Elaiza Biares they're talking about is Grey's seatmate. Siya iyong pamilyar na babaeng nakunan sa picture na hinahawakan ang braso niya. Iyong babaeng wagas kung makatitig kay Grey.

Tumahimik sila. Siguro ay napagtanto rin na wala naman talaga iyong kwenta at walang dapat ibig-deal. Sila sila lang din ang ginagawan iyon ng issue.

Akala ko ay mamahinga na iyon sa una kong subject pero sa sumunod ay mas malala pa pala. They were so loud about it. Kanya kanyang version ang naririnig ko. Everyone's so hype like there's something nice with that picture. Katulad ng sabi ni Grey, they look ugly on that photo. Una sa lahat, hindi sila bagay. Pangalawa, nagmukhang desperada ang babae dahil siya ang nakahawak sa braso. Pangatlo, halatang walang interes sa kanya si Grey.

Kulang nalang ay pumutok ang ugat sa aking ulo sa sobrang iritasyon.

"Sabi na! Dadating ang araw na matutukso sa iba si Grey. Ang ganda rin naman noong nursing na bagong salta. Balita ko galing daw 'yon sa All girls school at former cheerdancer pa."

Ang hirap nang huminga kung sobrang polluted na ang hangin na hinahaluan ng kanilang mga hininga. Can they stop talking about it? Obviously, wala lang ang picture na 'yon.

Isa ako sa mga iniinterview nila. Noong una ay panay paliwanag pa ako na wala lang naman 'yon pero kalaunan ay tumahimik din ako. Kung papatulan ko sila isa isa ay magsasayang lamang ako ng lakas sa bagay na 'yon lalo na't pinapalaki lang din naman nila. Bahala na nga.

Akala ko pag lumipas ang isang araw ay huhupa rin ang ganoong usap-usapan pero sa loob ng isang linggo ay palagi ko iyong naririnig at nanganganak na ang balita. They keep on saying that Grey likes that rumored nursing girl at may relasyon na ang dalawa. Nakakairita lang. Nasasanay ako na pangalan ko lang lagi ang nadidikit sa kanya pero ngayon na meron nang iba ay umiinit na ang aking ulo.

"What's the matter?" tanong ni Grey nang magkita kami sa simbahan noong Linggo ng umaga.

Parang puputok ang ugat sa aking ulo habang inaalala ang mga pinagkakalat na fake rumors ng mga estudyante. Saan ba nila 'yon kinuha?

"Hey." Hinaplos niya ang aking braso. "Nagmimisa pero nakabusangot ka," aniya.

Humalukipkip ako at nanatili ang tingin sa harap. Bakit ko nga ba iniisip ang mga ito sa loob ng simbahan? Nabaon ko ata ang sama ng loob sa lumipas na araw kaya hindi ko man lang magawang ikalma ang sarili.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon