Slipped
WARNING: SPG
Mine"Papa, I wanna ride a train..."
Pagkagising ko, natagpuan ko na si Rousseau na pumapagitna sa aming dalawa ni Grey sa kama. Iyon agad ang narinig ko nang idinilat ko ang aking mga mata.
"Train?" si Grey na nahuli pa ang pagmulat ng aking mga mata.
"Morning..." I mouthed.
Lumapit siya ng kaonti para halikan ako. Tumingala si Rousseau at nahuli pa ang paglapat ng labi ni Grey sa akin.
"Morning, Mama. Let's ride a train..."
Tiningnan ko si Grey. "May train ba rito?"
"There's a train named Orient Express. Let's go to London," si Rousseau na mukhang disidido.
That train sounds familiar. Parang narinig ko na pero di ko lang mahukay sa aking isipan.
"Orient Express? There's a film about that train and it's a murder case..."
"Really, Papa?"
"Yeah..."
"I wanna ride that train," Rousseau was more persistent this time.
Dahil ba 'yon sa nabanggit na film ni Grey para maging ganyan siya ka-interesado o ano?
Ikatlong araw na namin ito sa Venice. Naaaliw kami kakagala habang si Rousseau naman ay kakakain ng gelato. Tuwing gabi ay nakakasama rin namin sa Dinner iyong batang babae na naging kaibigan niya na rin ata. Sila ang madalas mag-usap. Kung may napansin man, mukhang problemado lagi ang kanyang ina kaya hinahayaan niyang humalo sa amin ang bata sa tuwing may katawagan ito sa cellphone.
"Paano tayo pupunta roon?" tanong ko kay Grey nang magsimula na akong mag-impake sa aming mga gamit.
Grey looked busy in his phone habang nakahilig sa headboard ng kama at ako itong nasa loob ng walk-in. Si Rousseau naman ay naroon sa sala at mukhang nakatanaw sa veranda.
"We'll ride a water taxi. I already booked our trip online."
Oh wow. He's letting us decide where to go without having a problem with money. Noong nabanggit kay Rousseau ang aming trip sa Venice ay wala naman siyang nababanggit tungkol sa train papuntang London. Hindi ko alam kung saan niya iyon napulot at bigla siyang nagkainteres sa ikatlong araw na pamamalagi namin sa Venice.
Pagkatapos mag-impake at maligo ay nagcheck-out din kami sa Gritti Palace. Sakay ng water taxi ay nagpahatid kami sa Orient Express. Pagkarating doon, nabasa ko agad sa pathway ang Venice Simplon Orient Express. Lumapit si Grey sa harap ng front desk na nasa gilid lamang daan at kinausap iyong Italiano na binigyan agad siya ng tatlong boarding pass.
The train looked very luxurious. Noong una, ang akala ko ay iyong typical na train lamang pero nang makita ay parang sumisigaw agad iyon sa karangyaan.
Binati kami ng apat na nakalinyang staff sa gilid ng train. Umabante pa kami hanggang makarating sa entrance at sinalubong ng isang staff na naka navy uniform din, katulad ng kulay ng train, at ngumiti sa amin.
Ipinakita ni Grey ang aming boarding pass. Hawak ko si Rousseau sa kanyang kamay kaya noong humaba ang kanyang leeg at parang sumisilip na sa loob ay napansin ko agad. He looked so excited.
"Mr. and Mrs. Delafuente..." sabi ng staff nang basahin ang aming puting boarding pass.
Nilingon ako ni Grey sa paraang alam niya na agad ang aking iniisip. Tingin pa lang ay nababasa ko na agad na papunta rin naman doon kaya hayaan nalang. He even smirked in a cocky way.
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
RomanceChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...