39th Slipped

60.9K 1.4K 398
                                    

Slipped

Girlfriend

Pumapatak ang mga luha ni Rousseau at tahimik na umiiyak sa front seat habang hawak muli ang picture ng kanyang ama.

"It was him... It's my Papa..." Basa ang kanyang mukha at hirap pa ring tumahan pagkatapos lisanin ang Restaurant nang hindi niya man lang nalapitan.

"It wasn't-"

"It's my Papa," giit niya habang nagbabagsakan na ang mas malalaki pang luha, nanatili ang tingin sa picture na hindi niya kayang lubayan.

Natutop ang aking bibig at hindi na siya kinaya pang tingnan. Tahimik akong nakatitig sa kalsada at hindi gano'n ka bilis ang pagmamaneho. Noong umagos muli ang luha ay mabilis kong pinalis para hindi makita ng anak.

Nagmumukha kaming nanglilimos ng atensyon. Parang asong gala sa kalsada na panay ang sunod sa isang estranghero na sana ay kupkupin man lang at pagtuunan ng pansin kahit sa huli, kahit lingon ay hindi kayang ibigay.

Is this his way of taking his vengeance over me? Gusto niya ba akong parusahan sa pamamagitan ng paghabol sa kanya? Kung ako lamang ang masusunod ay hihinto ako sa paghahabol at rerespetuhin na lamang ang kanyang gusto but this is different! My child wants to meet him! Akala ko magiging madali lamang ang pagpapakilala at mahihirapan ako sa magiging reaksyon niya pero hindi pala, sa paglapit pala sa kanya ang pinakamahirap. Masyadong matayog ang harang na namamagitan sa aming dalawa na kahit ibuhos ko ang aking lakas maakyat lamang iyon ay mahihila pa rin ako sa ibaba.

Nakatulog si Rousseau kakaiyak habang hawak hawak ang picture ni Grey. Itinabi ko iyon at ipinanhik siya sa kanyang kuwarto. Ni hindi man lang siya nakakain. Ramdam ko ang kanyang pagod lalo na't halos buong walong oras din kaming naghintay sa clinic.

Buong gabi iyong naging laman ng aking isipan habang tinititigan ang anak na malalim na ang tulog. What's his relationship with that nurse? Noon pa man, talagang may nararamdaman na akong pagtingin ni Elaiza para kay Grey. Ngayon na nabigyan sila ng tsansang magkasama, baka habang wala ako...

Mariin akong pumikit at pilit binura ang mga naiisip. Why? You have no right to demand an explanation for loving another girl because you left him! Hindi mo siya pwedeng sumbatan kung ba't nagawa niyang magmahal ng iba habang wala ka dahil kung tutuusin ay ikaw ang tumalikod! You can't just blame him for falling inlove again while you're still wounded with the past.

Hindi naman pwedeng manumbat nalang ako bigla na hindi ako naghanap ng iba at dapat ganoon din siya dahil noong umalis ako, para ko na ring pinutol ang kung ano mang meron sa aming dalawa noong mga oras na iyon. And maybe, maybe he realized I am not worth any of it then he fell inlove with someone else who's always there beside him, who's willing to stay by his side even at his worst. Dahil ako, noong nagkaproblema, mas piniling umalis at tumalikod.

The pain inside keeps on stabbing me. My regrets were now desperate to pull me from hell. Palagi nalang nasa gitna ng bangin at nilalabanan ang kamatayan.

I was busy killing the demons in my head when Mommy called. Tumayo ako at nagpasyang sagutin iyon habang tinatanaw ang lights sa labas ng balcony ng kwarto ni Rousseau. I don't want to disturb his sleep so I immediately close the door.

"Yes, Mommy?" I sighed heavily.

"What's the matter? Ba't ang haba ng buntong hininga mo? Bigla kong naisip si Rousseau kaya napatawag ako... Is everything okay? How's his talk with his father? Alam na ni Grey?"

Kusang lumandas ang luha sa aking mga mata. Parang drum na hindi na kayang hawakan ang umaagos na tubig at umapaw na lamang ng kusa ang aking emosyong kinikimkim.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon