Slipped
Liar
"How are you, honey?" tanong ni Daddy sa kabilang linya.
Maaga siyang tumawag ngayong umaga ng Sabado. Hindi ko alam kung anong oras na roon.
"I'm fine, Daddy. Kayo ni Mommy?" tanong ko habang naglalakad na papasok sa first subject ko ngayon. P.E.
"We're fine. Nasa bahay ka ba ng pinsan mo?"
"Uhm, nope... Nasa school ako ngayon, Dad. I have some classes. Mamaya ay nasa bahay ako since may meeting ako with Tosh- w-with my classmate for my main subject," sabi ko at napangiwi nang mapagtantong kamuntik ko nang masabi ang pangalan niya.
Umupo ako sa silya. Kaunti pa lang ang mga estudyanteng naririto.
"Oh? Okay... Your Mom told me Grey is picking you up every morning. Nanliligaw na?" Nahimigan ko agad ang pagiging seryoso ni Daddy.
I am not sure if he's mad or what. I think he's just being serious.
"Huh? Wala ah! Hindi rin ako papayag, Dad!" giit ko at medyo napalakas ang boses kaya may iilang naglingunan.
I relaxed on my chair a bit at hinaplos ang suot kong kwintas. I am wearing Toshi's gift from me. It's a simple gold necklace with a half moon pendant and a crystals on it.
"Buti at nagkabati na kayo..." Huminahon ang boses ni Daddy.
"We're not enemies forever Dad..." Tumawa ako.
Dad chuckled, too. Tumikhim ako at gusto agad ilihis ang topic.
"By the way, where's Mom?"
"Oh... she's tired. She's still sleeping, hon..."
"Oh okay, Daddy. I need to hang up now. May klase pa ako. Bye bye. I love you so much."
"I love you so much. Take care, okay?"
"Okay Dad..."
Pinatay ko rin naman ang tawag. Siguro next week pa ang uwi nila. Mabuti na rin na may quality time sila ni Mommy roon since they need it, too.
After my P.E. class ay namataan ko sa corridor si Toshi. He got new friends. Nagtatawanan ang mga ito. Pamilya ang isa sa kanyang kasama na si Montiel while some of them were strangers to me.
Tumigil si Toshi nang mapansin ako na kahit ang kanyang mga kaibigan ay tumigil din para tingnan ako.
"Hi..." Ngumiti ako kay Toshi.
"Break time?"
Dahan dahan akong tumango at ngumuso. Ngumisi ng makahulugan ang isa niyang kaibigan at umakbay roon sa may pagka singkit na lalake.
"If she's alone then she can join us for lunch, Tosh..." sabi noong katabi ng singkit na agarang siniko ni Trey habang nanunuya ang ngisi sa labi.
"Calm your ass... Pag babae talaga eh." Nailing si Trey sa kanya habang ang dalawa pa ay humalakhak.
Nanimbang naman ang mga mata ni Toshi sa akin.
"Ayos lang. Papunta narin naman ako sa cafetria para kumain," sabi ko sabay tingin kay Toshi.
Umangat ang isa niyang kilay. Ngising aso naman ang kanyang mga kaibigan na kahit si Trey ay nilingon na si Toshi.
"Di ba tayo malalagot kay Grey?" Narinig ko ang mahina niyang bulong kay Toshi.
Namulsa si Toshi at nagkibit.
"Join us, then. H'wag mo nalang pansinin ang kaingayan nila," aniya na ikinakagat ko ng aking labi.
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
RomantikChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...