44th Slipped

97.9K 2.6K 920
                                    

Slipped

Crush

Elaiza walked out leaving the box inside the room. I feel like I won a lottery ticket and celebrate with my success. Kulang nalang ay utusan ko si Mang Edwin na magpaputok ng confetti na parang mas ninerbyos sa nangyaring sagutan kanina.

The evil smirk was still vivid on my lips for a couple of minutes. Ang sama ko na bang tao na natutuwa ako sa luha ng kanyang mga mata. Kahit na nakukulangan sa sampal na ginawa, ayoko namang mas higitan iyon para lang maibalik lahat ng sakit na ginawa niya sa akin.

I don't want to use my hate for violence. I want her to learn it by reflecting from her mistakes. Kung sasaktan ko siya ng mas higit sa pananakit na ginawa niya sa akin, parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanya. Ayokong maging salamin ako kung anong klase siyang babae. Gusto kong ako ang maging salamin niya kung anong dapat niyang gawin bilang isang babae.

"Tubig po," sabi ko kay Mang Edwin at binigyan siya ng mineral water na nasa table kasama noong mga prutas at hindi pa nagagalaw na pagkain. Hindi pa nawawala ang kanyang pamumutla at mukhang may aftershocks pa siyang nararamdaman dahil sa sagutang niyanig siya ng husto.

He looked pale. Marahil ay kakapigil kay Grey na mukhang manununtok na sa umahong galit. I tried to compose myself after Elaiza left the room. Madali namang napalamig ang aking ulo kahit may parte sa akin ang kumukulo pa rin.

Nakapamaywang naman si Grey habang tinititigan ang puting kisame at akala mo'y nakikipag-usap ng masinsinan sa pader na wala namang alam at kanyang dinadamay. He stood there as if he's busy cooling down himself after his raging anger.

"Ma'am... Bigyan niyo rin po ng tubig si Sir," bulong ni Mang Edwin sa 'kin nang tapunan ng tingin si Grey.

"Hayaan mo muna. Mainit pa ang ulo. Ikaw nalang po, Mang Edwin," sabi ko na ikinaputla niya sabay iling.

Sumulyap ako kay Grey saka muling tiningnan si Mang Edwin.

"Ikaw na, Mang Edwin..." sabi ko at kinuha ang mineral water na walang bawas.

"Nako Ma'am... Baka ako pa ang masapak n'yan..." aniya at tinanggihan ang hawak kong tubig.

Bumuntong ako ng hininga at nagpasyang ako nalang ang magbigay no'n kay Grey. Ano bang ikinakatakot ko? Pati paglapit ay hindi ko pa magawa dahil pakiramdam ko ay may kasalanan din ako sa kanya.

Tumikhim ako at naglakad palapit. Nilingon ko si Mang Edwin na nag thumbs-up pa sa akin at kulang nalang ata ay magpa-banner para ipakitang suportado niya ako. I sighed more and continued walking to close my distance with Grey.

Noong magawi sa kanyang kinatatayuan ay naramdaman ko agad ang bigat ng paligid at mukhang napapalibutan na ng itim ng kanyang enerhiya. He glance at me, the anger on his eyes was still vivid and I can see his frustration, too. Para iyong naghahalo sa kanyang mga mata na hindi ko matukoy kung ano na ang pinanggagalingan.

"Tubig... Baka malunod kana sa iniisip mo," pagbibiro ko para pagaanin ang mabigat na paligid.

Binasa niya ang pang-ibabang labi at ipinagsalubong ang kilay habang tinitingnan ang aking inilahad. Nahulog din ang aking mga mata roon. Oh... Gusto niya bang buksan ko?

I tried to open it but Grey pulled it away from me. Ngumuso ako at pinanood siyang buksan iyon ng walang kahirap hirap at mukhang hindi man lang nagsayang ng katiting na lakas. He just twist it like he's expert at twisting things in his hands...

Tiningnan ko siyang igiya ang mineral water sa kanyang bibig. Tumitig ako sa adam's apple niyang gumagalaw at sa kaonting ugat na lumalabas sa kanyang leeg. His eyes found mine. Pasimple kong iniwas ang tingin at nagpasyang umalis nalang muna para bigyan ulit siya ng oras sa harap ng pader.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon