53rd Slipped

88.9K 2.1K 301
                                    

Slipped

Strong

Gabi na noong napansin ko ang paglanding ng eroplanong sinasakyan sa Pilipinas. Rousseau's asleep in his own seat, ako naman ay nakakaramdam ng pagod habang si Grey ay gising na gising at tila binabantayan lamang kami.

I was very satisfied with our Europian tour. Siguro si Rousseau ay gustong gusto niya pa dahil sa nahanap na kaibigan at nagbabalak pa nga sana ang dalawa na magtungo sa Paris pero kagustuhan kong umuwi na rin kami para sa paghahanda ng kanyang surprise birthday party.

Alam ko ring may mga gagawin din si Grey na iniwan niya lamang at ayoko namang lumagpas siya sa kanyang leave. There's another time for that. Kung mabibigyan man ulit ng oras na ulitin...

A familiar car stops infront of us on the airport. Lumabas doon ang isang driver at ibinigay ang susi kay Grey na pinasalamatan niya bago naunang ipinasok ang tulog na si Rousseau sa backseat. Pagkatapos masiguradong ayos ang anak ay ako naman ang pinagbuksan sa front seat.

Tahimik ako buong byahe. Pagod at nararamdaman ang jetlag na inaatake na ang buo kong katawan. Ngunit may parte sa akin ang ayaw hilain ng antok lalo na't nandito na sa Pilipinas. I remembered Elaiza's texts. I remembered Grey's plans. I remembered the revenge he's secretly pulling out. My heart started crashing into pieces. Pinipilit ko nalang buohin kahit nagkanda sugat sugat na ang kamay at kumikirot na ang pusong wasak.

I sighed silently at ipinikit nalang ang mga mata. Doon lamang ako dumilat noong naramdaman ko ang pagpasok namin sa garahe ng bahay. My blurry vision adjusted for a mere second until the clear view of unfamiliar place welcomed me.

Huh? Nasa'n kami? This is not our house. The garage looked expensive lalo na't may isa pang kotse ang nakapark na hindi ko naalalang meron kami.

Nilingon ko si Grey na kinukuha na muli ang anak sa back seat. I watched how Rousseau placed his head on his father's broad shoulder. Ang malapad na likod ni Grey ang bumalandra sa akin noong sumunod ako sa kanya.

"Magandang pagbabalik, Sir," a woman greeted her and slowly glance at me. "Magandang gabi, Ma'am..." she said politely and smiled.

Tumango ako at ngumiti ng tipid. Pumasok kami ng tuluyan. Marmol ang sahig at malaki ang kabuuan. My place wandered right away on the luxurious place. Ang malaking chandelier agad ang naunang pumukaw ng aking pansin na pinalibutan ng cove lightning. The grand staircase were carpetted with beige. Kulay gold ang railings na kumukonekta sa ikalawang palapag ng bahay. The ivory walls complemented the light colors of his furnitures and it looked aesthetic, hindi masakit sa mata ang mga piniling kulay. Ang high curtains ay kulay abo sa bawat sides, ang sala ay may malalaking kulay puting sofa, mga gold at gray na soft pillows, at kulay cream na carpet. Base on the texture, it's obviously a luxurious velvet pile carpet.

May itim na pahirabang table sa gitna na may puting flowers, malaking flat screen tv na nakapatong sa isang credenza at sa bawat gilid ay open shelves na may nakalagay na kung anu-ano.

"Pakideritso ng mga bagahe kuwarto ko, Manang," si Grey.

Doon unti-unting nagsink-in sa akin kung kaninong bahay ito. But my mind wants to confirm it more, hindi nakontento kahit narinig na ang sinabi ni Grey.

"Kaninong bahay 'to?" I asked while I followed him on the grand staircase.

Mahimbing ang tulog ni Rousseau, parang nananaginip na ng malalim dahil hindi gumagalaw sa kahit anong tunog.

"Ours," aniya.

Oh... Ito ba 'yung tinutukoy niyang may nakahanda ng bahay? Kahit na alam kong may ikakabuga ang aking pamilya sa pera, na angat din kami sa buhay, I never wished for a luxury life, greater than my parents can offer. At heto ngayon si Grey, nagpatayo ng bahay na sa mga mwebles pa lang ay nasa five digits na ata ang halaga o baka nga ay may iba rito na lagpas sa six na.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon