Slipped
Choose Wisely
"Sino na naman iyong sinuntok mo noong Friday?" Umabot sa aking tainga ang paghagalpak ni Ken pagkatapos ng simba.
Naroon sila sa may pinto nakatambay kung saan sila madalas habang panay pa chikahan ang aming mga magulang na akala mo'y ngayon lamang nagkita.
Naghimutok lamang si Grey habang nakasandal doon at nakapamulsa. Kanina ko pa nahuhuling tinitingnan niya ako. Sinikap ko talagang hindi magkasalubong ang aming mga mata dahil galit parin ako sa ginawa niya kay Aries.
I mean he's very unreasonable. Sinuntok niya lang dahil may gusto sa akin. Lahat nalang ng lalakeng pakiramdam niya ay may gusto sa akin ay susuntukin niya agad. Parang ginagawa niya nalang akong alibi para makapag basag-ulo eh.
"Is it because of Chey?" si Ken na natatawa parin.
"Shut-up," Grey hissed.
Tinanaw ko si Mommy na kausap parin si Tita Ellie. Dad's clinging on her waist. Sumulyap si Daddy sa akin. I smiled at him.
Palagi ko naman sanang pinagdadasal na magkaroon ng development sa amin ni Toshi pero bakit hanggang ngayon ay wala paring nangyayari? Sinagot na ba siya noong Laura? Is she better than me? Anong nagustuhan niya roon na wala sa akin? Ang bait ko naman sa kanya ah?
"Hi Ate Chey." Boses iyon ni Elle.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pinsan kong kasama ang demonyita niyang pinsan na si Zera. Ngumiti ako.
"Hello Elle..."
Nagtungo siya lalo sa akin. "Nabalitaan ko may sinuntok si Kuya Grey dahil sa'yo."
Agarang umismid si Zera sa narinig. "Grey got a baste taste. If I were my cousin, ikaw nalang ang susuntukin ko."
This brat. Nasa simbahan naman sana pero parang hindi humuhupa ang sungay. Pilit kong kinalma ang sarili dahil baka hilain ako ng mga demonyo palabas ng simbahan dahil sa magagawa ko sa batang ito. She's really the worst Delafuente girl!
"Mainitin ang ulo ni Grey. It's not my fault-"
"But you pushed him to do so. Eh ba't hindi nalang ikaw ang umiwas sa boys?" Inangatan ako ng kilay ni Zera.
Ngumuso si Elle habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.
Nakakahighblood. Anong ako pa ang kailangan umiwas? Bakit ako ang mag-aadjust?
"Zera," ang boses ni Grey ang pumaibabaw.
Natutop agad ang kanyang bibig sa akin at umirap. Naglakad siya paalis habang si Elle naman ay kumaway nalang para sundan ang kanyang brat na pinsan.
Nilingon ko si Grey na namulsang muli at nasa kanyang mga pinsan na ang atensyon.
Nakaalis lamang kami sa simbahan noong magyaya ng Lunch ang Mommy ni Grey. Nauwi kami sa kanilang bahay kaya mas lalo lamang akong nabwesit dahil pati sa harap ng pagkain ay si Grey ang makakaharap ko.
Ang coincidence naman na bigla biglang nagyayaya si Tita Celina ng lunch. Laging ganito ang eksena pag guilty si Grey lalo na't ito palagi ang paraan niya para makipagbati sa akin noon sa tuwing nagagalit ako.
"Buti naman at hindi nagkakaboyfriend itong si Chey. Ang ganda pa namang bata," ani Tita Celina na ikinangiti ko habang hinihiwa ko ang steak.
"I'm quite strict," pagbibiro ni Daddy sabay ngisi sa akin.
Tumawa si Tita Celina at Mommy. Kahit ang ama ni Grey ay pasimpleng sinipat ng tingin ang anak niyang katabi niya lamang na kaharap ko.
"Kung pwede lang ipagkasundo ang mga anak natin..." si Tita Celina.
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
Roman d'amourChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...