Slipped
Throne
Lumabas saglit si Grey dala iyong Medical Record ni Rousseau. Nilapitan ko ang aking anak na masyado pa ring mahimbing ang tulog. I crouched a bit and kissed his forehead.
"Rousseau... Your wish came true..." bulong ko at hinaplos ang malambot at medyo wavy niyang buhok.
"Ma'am, paano po ang surprise birthday party ni Rousseau mamaya? Matutuloy pa rin po ba?"
I suddenly realized his surprise birthday party. I'm not sure if Cassey and Naia sent the invitation cards with the Delafuente's. Nalaman ko rin kasi na ang iilan pala sa kanila ay wala rito sa Manila. Lalo na sina Zera at Elle ay naroon sa Cebu kasama ang kani-kanilang mga asawa at anak.
"Masaya na 'yan si Rousseau dahil nandito siya sa hospital kasama ang Papa niya. Mabuti at sumakit ang tiyan niya," si Mang Edwin na ngumiti pa pero nang mapagtanto ang sinabi ay agarang napawi ang ngisi at pasimpleng tumikhim para muling iseryoso ang mukha.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyari sa aking anak o ano. Pwede naman silang magkita nang hindi siya nakakaramdam ng ganito. I don't want to see him suffer like this. Ayoko ng maulit ang gano'n dahil para akong papatayin.
Hindi man lang ako tinablan ng antok at pagkagutom. Gusto ko nalang titigan buong magdamag si Rousseau at napapanatag sa mala-anghel niyang mahimbing na tulog. He's having a peaceful sleep after knowing his father cured him. You looked so happy even when you're sleeping, Rousseau...
Muling pumasok si Grey makaraan ang ilang minuto. Mas umayos si Mang Edwin sa gilid ng pinto at mas naging seryoso pa. Tiningnan ni Grey saglit si Rousseau saka ako binalingan.
"You should rest. Ako na ang magbabantay sa kanya rito," ani Grey at hinubad ang lab coat na suot niya at ibinalandra ang kanyang casual clothes.
"Oo nga po, Ma'am... Ihahatid na po muna kita sa bahay," si Mang Edwin sa nag-aalalang tinig.
Grey glance at him in a serious way. Naramdaman agad ni Mang Edwin na may nasabi siyang mali na maaaring ikinatingin sa kanya ni Grey kaya natutop ang kanyang bibig at inayos ang pagtayo.
"Dito lang ako. Baka magising si Rousseau at hanapin ako," sabi ko habang nakaupo sa malapad na sofa.
Isinabit ni Grey ang lab coat sa upuan. Naka plain gray tshirt siya ngayon at jeans pero talagang napapanindigan niya ang gano'ng suot para maging kapansin pansin talaga siya.
"Your duty is done. You should go," I said halfheartedly.
Nagtungo siya sa sofa at tumabi sa akin, hindi gano'n kalapit lalo na't may espasyo pang namamagitan sa gitna saka niya ipinagsalikop ang mga kamay at inihilig ang bawat siko sa bawat hita.
"I'm staying as a father, not as a Doctor. I'm gonna wait for him. Baka hanapin din ako," aniya, ginagaya ang sinabi ko kanina.
Pekeng ubo ang narinig ko mula kay Mang Edwin at mukhang nagpipigil na makabigay ng reaksyon sa narinig galing kay Grey. Humalukipkip ako at seryosong tinitigan ang paanan ng kama.
"Mang Edwin, baka gusto niyo po munang magpahinga," sabi ko nang matuon ang aking atensyon sa kanya.
"Dito nalang din po muna ako, Ma'am... Baka hanapin din ako," bulong ni Mang Edwin na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
Grey just throw him glares but it vanished right away. Tumango ako at natahimik. Ayaw ko ring ipilit na paalisin muna si Grey dahil sa totoo lang, gustong gusto ko na manatili siya rito at hintayin ang paggising ni Rousseau. He's gonna be glad if he sees his father waiting for him. Baka pag gumising ito at wala si Grey sa tabi ay madismaya na naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/198797239-288-k247055.jpg)
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
Storie d'amoreChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...