The Untold Part

99K 1.9K 923
                                    

Slipped

Untold Part of Toshi Delafuente

Tinapik ko ang balikat ng aking pinsan. Inaayos niya ang cuff ng kanyang suot. He looked nervous but Grey is good at masking it fully. Nanatili siyang seryoso habang nakatayo sa gilid ng altar.

"You looked tense," I said.

Umangat ang kanyang kilay. "Am I?"

I smirked. Namulsa ako sa kanyang gilid at natanaw ang bride na pumwesto na sa dulo ng aisle, handa ng maglakad.

I heard Grey's curse. He stared at her completely. Wala na atang naging mahalaga sa kanya sa oras na ito kundi ang babae lamang na tinititigan niya.

He's really drawn by her. Bata pa lang kami, ganoon niya ito tinititigan palagi. It's like Chey is the most beautiful girl in the whole world. Or Chey is the only girl who matters to him more than anything.

Hindi naman naging lihim ang atraksyon niya para sa kanya.

"You're staring too much." Humalakhak ako pagkatapos sapakin ang kanyang dibdib.

Grey glared at me. Hinaplos niya ang buhok at pumangalumbaba sa inuupuan namin para muling tumitig kay Chey. Man... He's really into her.

Imbitado ang mga Fortalejo sa mga events at talagang hindi sila nawawala lalo na si Chey. Bata pa kami, alam ko na agad na ako ang gusto ng babaeng gustong angkinin ng pinsan ko. But a part of him is letting her to explore first. Hindi niya masyadong hinihigpitan. Kung gusto niya naman pala, why don't he own her completely?

"Hello Toshi!" Kumaway si Chey sa akin, akala mo ay naging anino lang si Grey sa aking gilid.

Tumango ako, hindi na nakakaway pabalik lalo na't ramdam ko ang maitim na enerhiya sa aking gilid.

"Chey's pretty-

Natigilan agad ako sa marahas na pagtayo ni Grey. Ang upuan niya ay natumba. His hands turned into fist. His expression darkened. Tiningnan niya ako sa malamig na paraan.

"I'm gonna smoke," sabay bulsa ng mga kamay na hindi pa rin kumakalma at tinalikuran ako ng buo.

That's pretty bad. The girl she really likes doesn't like her. May mas ikakalala pa ba 'yan? And besides, Chey is just fourteen. Baka pag lumaki na 'yan ay magustuhan na rin siya pabalik.

I always believe that Chey's feelings for me is just an infatuation, katulad ng sinasabi niya na ako ang gusto niya sa tuwing tinutulak siya sa aking pinsan. Hindi ko masyadong binibigdeal at nilalagyan ng kulay. I only sees her as one of our childhood friends. Iyon ang ginigiit ko at ayaw rin lumagpas sa linyang inilagay ng aking pinsan para sa kanya.

At sa tuwing pumupunta siya sa bahay para bumisita, hindi na ako nagtataka kung bigla ring sumusulpot si Grey para mambakod. Parang ako pa itong nagiging third wheel sa dalawa.

"Kawawa 'yung sinapak ni Grey na Junior, nabungal!" Humagalpak ng tawa si Ken nang ibalita sa akin ang nakasuntukan ni Grey noong nakaraang araw sa labas ng school.

Nasa Clubhouse kaming magpipinsan para magpalipas oras sa tirik na tirik na araw ng Sabado. We're playing basketball. Nagpapahinga na at napag-usapan saglit ang pagiging mainitin ng ulo ni Grey.

"Balita ko inasar daw si Grey na liligawan si Chey. Ayan, halos maligaw na din ang ibang parte ng mukha niya dahil sa suntok ni Grey!" Mas humagalpak si Ken, hindi maawat sa kakatawa at kulang nalang ay gumulong sa sahig.

"Biruin mo, ang Senior nanapak ng Junior dahil sobrang nagseselos!" si Blue na sumasali rin sa pang-aasar.

Grey was pissed. Noong tiningnan namin sa gilid ay handa na namang manigarilyo. Magkasalubong ang kilay at madilim palagi ang ekspresyon.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon