14th Slipped

52.9K 1.8K 350
                                    

Slipped

Very Possessive

Grey glared at his cousin Hiro, pero noong ibinalik ang tingin sa akin ay namungay agad ang kanyang mga mata.

"May I?" Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

Mas lalo lang bumilis ang kalabog ng aking dibdib, hinihigitan ang kanta. With my shaking hand, I tried to reach him.

Hinawakan niya ang aking kamay. His other hand slowly touch the small of my back, dahilan para mapalunok ako ng husto.

Grey looked at me intensely, but in a way that calms me, in a way that comforts me. Kahit ganon kagrabe ang kanyang titig ay pakiramdam ko nasa tamang mga mata ako, na nakatingin ako sa lalakeng hindi ako kayang saktan.

"Are you okay?" he whispered while trying to sway me.

Pilit akong tumango at agad na hinanap ang kanyang mga mata para muli kaming magkatinginan. Ngumuso siya at parang naninibago sa aking paninitig pero hindi ko kayang alisin ang aking mga mata sa kanya.

"You sure?" His voice was husky.

Tumango ako at hindi alam kung kaya ko pa bang magsalita. Shit... I want him to stop from asking! Pakiramdam ko'y bubuhos ang luha ko ano mang oras. I don't understand it.

Muli siyang yumuko para makabulong.

"You're so beautiful, Chey. It makes me want to steal you away from this place. I'm jealous..." Medyo humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

I inhaled his scent. Kamuntik na akong makatango ngunit nagpigil lamang ako. Seriously, he's driving me crazy! Ano ba itong nangyayari sa akin?

Ibinalik niya ang mga mata niya sa akin. He stared at me like there's no tomorrow. His thumb was caressing the small back of my hand, making me feel like I'm in daze.

The dim lights aren't enough to hide the happiness in his eyes. Kumikislap iyon sa saya kahit na pakiramdam ko ay naghahalo ang lungkot.

"I hope you wear my gift this time..." aniya sa paos na boses.

Kumurap ako. "W-What's your gift?"

Napanguso siya sa pagkakautal ko. Tumikhim ako at pilit na pinakalma ang sarili. I can't even blink an eye damn it! Stop staring, Chey!

"A gold bracelet..."

Oh... Parang bigla akong naexcite na halughugin mamaya ang mga regalo at hanapin ang kanya. I'll probably use it.

Mariin akong pumikit at natauhan sa aking naisip. Grey seemed really concern dahil noong dumilat ako ay may pagkalito na sa kanyang mga mata.

"You sure you're okay?"

Tumango ako at pilit na binigyan siya ng ngiti. No, Grey! I... I think... I think I'm falling!

Kinagat ko ang aking labi. Doon ko napagtantong tapos na ang oras niya. Humigpit ang pagkakahawak ko, bigla akong natakot.

"Hey..."

Shit... Chey... Calm down.

"D-Dont go..." I whispered.

Sa sobrang lakas ng kanta, imposibleng marinig niya ako, na kahit ako ay hindi narin halos makilala ang sarili kong boses.

Nakita ko ang pagsenyas ng organizer kay Grey na tapos na ang kanyang oras. Sa kanyang likuran ay nakita ko si Toshi na naghihintay. Nag-iwas ako ng tingin at nahagip ang nanunuyang ngisi ni Hiro habang nakaupo sa mesa, nakahilig sa kanyang mga hita at nilalaro ang wine ng champagne sa kanyang kamay.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon