1st Slipped

98K 2K 637
                                    

Slipped

Impossible

Nanggigigil kong sinugod ang kuta ng halimaw na Delafuente na iyon pagkatapos ng aking klase. Tapos na sana ang summer pero hindi ko alam kung ba't pinapainit na naman ni Grey ang aking ulo!

Nadatnan ko siya sa classroom, nagbabasa ng libro habang ang iilan niyang kaklaseng babae ay naglalaway kakatingin sa kanya.

"Grey!" Halos sumabog agad ako sa inis habang nagmamartsa patungo sa kanya.

Awtomatikong lumingon si Grey sa akin. Pagkarating sa kanyang dako ay kinwelyuhan ko agad siya.

"Bawiin mo iyong ipinagkalat mo sa building namin!"

Tumawa siya at hinaplos ang aking beywang. Nabwesit ako kaya mabilis ko siyang binitiwan at lumayo. Itinuro ko siya.

"You are not my boyfriend! And to hell with you! Hinding hindi magiging tayo!" sigaw ko, wala nang pakialam kung sino mang makarinig dito sa aming dalawa.

Nanatili siyang kalmado habang may inilalabas na sa kanyang bag. Kinuha niya roon ang pamilyar kong dalawang notebooks at inilagay sa kanyang desk.

"Iyong assignments mong pinapautos mo ay natapos ko na."

Hinablot ko iyon. Nahuli niya ang aking pulso.

"Hindi ko iyon pinagkalat. May nagtanong lang na kaklase mo kung ba't madalas ako roon sa building niyo. Ang sabi ko girlfriend kita."

Namilog agad ang aking mga mata kaya hinablot ko ang kamay ko at ipinalo sa kanya ang aking notebook. Kinagat niya ang kanyang labi habang nakangisi. Shit talaga!

"Anong girlfriend?! Si Toshi ang pinagmamayabang ko sa kanila tapos aangkinin mo ako? Bakit ba lagi mo akong inaagaw sa pinsan mo?!"

Humalukipkip si Grey sa kanyang upuan. This badboy is really a monster. Simula noong nilinaw ko sa kanya ang lahat, mas naging masahol ang kanyang ugali. Hindi nga mainitin ang kanyang ulo sa akin pero ang ulo ko naman ang palagi niyang pinapainit. I'm not even sure if I can stay friends with him anymore. Kahit ata iyon ay ayoko nang ibigay dahil sa pinaggagawa niya.

"Hindi kita inaagaw dahil hindi ka naman kanya, Chey-"

"Shut-up! Alam mong siya ang gusto ko!" Halos sumabog ako sa sobrang galit. Lahat ng estudyante ay sinasabing girlfriend daw ako ng bwesit na ito. I can't even take it. Nakakasuka!

"Sinasabi mong ako itong may mainit na ulo eh ikaw rin naman," nanunuya niyang sabi na ikinairap ko.

"Clear my name, Grey. Bawiin mo iyan or isusumbong kita kay Tita Celina."

Kinuha ko ang isa ko pang notebook sa desk niya at nagpasya nang lumabas ng kanyang classroom.

Imagine, Grade 11 pa lang ako pero ganito na ang napapasukan kong gulo dahil sa kanya? Pinaparusahan niya ba ako dahil nirereject ko siya?

Gusto ko nalang ipagdasal itong kaluluwa ni Grey na sunduin na ni Kamatayan sa sobrang pagkabwesit ko sa kanya. Hindi na talaga kami nagkakasundo sa mga bagay bagay simula noong lumaki kaming dalawa.

Para kasing itong si Grey ay may dark mode. Ang alam ko, madalas iyong lumabas sa iba na nakapaligid sa kanya. Ni minsan hindi naman iyan nagalit sa aking harapan o sumabog. He's always calm. Eh kulang na nga lang maging anghel iyan sa aking harapan but he's really the opposite type pagdating sa iba. Nababalitaan ko nalang noong Grade 7 ako may kasuntukan siya at madalas pala talaga iyong mangyari.

"Hi Chey! Ba't di mo kasama ang boyfriend mong si Grey?" tanong ng babaeng kaedad ko lamang. May kasama pa siyang dalawa na nasa akin din ang mga tingin.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon