54th Slipped

88.2K 2.1K 398
                                    

Slipped

Revenge

The breakfast went smoothly. Naging magaan ang usapan dahil sa pag-uusap namin ni Tita Celina. Nagkukumustahan nalang ang naihaing topic sa hapag at iilang tanong tungkol kay Mommy.

"She's doing fine po, Tita. Iyon nga lang ay ayaw niya munang umuwi," sabi ko kay Tita nang magtanong tungkol kay Mommy.

Namungay ang mga mata ni Tita Celina at nailing. The fierce in her eyes vanished while shaking her head.

"I can't imagine her pain..." she sighed and glance at Rousseau para pisilin ang pisngi nito.

Mabilis na nagbalik tanaw sa aking isipan ang pagluluksa ng ina. She knows how to hide the pain inside her but I know it's very difficult for her. Alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ni Dad. She's distracting herself from other things but I know, Dad never left her mind. Alam ko na hindi naiibsan ang pangungulila niya sa kanya.

Natauhan lang ako sa bahagyang pagkakatulala nang pinisil ni Grey ang isa kong kamay na namamahinga sa aking hita. I glance at him. His eyes shows comfort that reached me. Ngumiti ako ng tipid.

"Dito niyo ba balak pag-aralin si Rousseau o sa States?" si Tito na mukhang gustong idivert ang usapan saka tinitigan ang apong tahimik lang din na nakikinig.

Nagkatinginan kaming muli ni Grey. Narito ang kanyang trabaho at sigurado akong mas gugustuhin din ni Rousseau na dito nalang ipagpatuloy ang pag-aaral.

"Baka dito nalang po," sabi ko na ikinatango ni Grey at nakontento sa aking sagot.

"Dito nalang si Rousseau. I want to spend more time with him. Right, Rousseau," sabay tingin ni Tita sa apo.

"Right, Lola..." Rousseau smiled a bit.

Ang gaan ng aking pakiramdam dahil parang nagiging pabor sa akin ang tadhana. Ngayon ay napapaisip tuloy ako sa binabalak ni Grey. Alam kaya iyon ng parents niya? Tita Celina looked clueless lalo na't sa naging takbo ng aming usapan, wala akong maramdamang bahid ng pagpapanggap.

Ayokong sirain ang mood kaya mabilis ko rin iyong sinipa palabas sa aking isipan. Noong hapon ay dumating naman si Mang Edwin at Mang Rodrigo, hinahakot na ang aking mga gamit ganoon din kay Rousseau. Sa sobrang dami, pakiramdam ko ay buong gamit ko ata ang hinakot nila dahil kahit ang luma kong mga gamit na hindi ko na maalalang ginagamit ko pa ay dinala rin. Hindi ko maalalang may utos akong ganoon lalo na't hindi pa pinal ang pagtira namin sa bahay ni Grey.

"Ang ganda pala ng pinatayong bahay ni Doc sa inyo, Ma'am... Katas ata ito ng pagsisikap niya bilang Doktor," ani Mang Edwin nang tumingala sa kabuuan ng bahay.

"Kahit hindi 'yan magsikap ay marami na talaga 'yang pera, Mang Edwin," sabi ko at nilingon si Grey sa may high windows lalo na't natatanaw ang patio, may kausap na naman sa cellphone at seryoso ang mukha.

Pansin ko, kanina pa siya abala sa kanyang cellphone. Naliligo si Rousseau sa pool area at si Tita Celina ang madalas na umaalalay sa kanya ganoon din si Tito. Parang ayaw na nilang humiwalay sa kanya simula noong dumating sila dito sa bahay.

Noong matyempuhan ko na tapos na si Grey sa kanyang cellphone ay lumapit ako sa kanya.

"Inutusan mong ipalipat lahat ng gamit ko rito?" I asked.

Grey nodded sabay bulsa ng cellphone, tila ba gusto iyong itago sa akin para hindi maabot ng aking mga mata.

"Yeah... I hope you're fine with it."

"Dito na ba kami titira? Hindi pa natin napag-uusapan kung dito na kami ni Rousseau, Grey," may bahid na pag-aalinlangan sa aking pananalita.

Nilingon saglit ni Grey ang pool area lalo na't pumaibabaw ang halakhak ni Tito habang si Tita Celina ay matalim ang tingin sa asawa. The small water on her face is the evident why she's throwing daggers with her husband. Nakitawa rin si Rousseau pero nagkukusang punasan ang mukha ng kanyang Lola.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon