Slipped
Halik
"Ibaba mo nga ako!" Pinagsasapak ko ang likod ni Grey.
Napamura siya at tumigil saka dahan-dahan akong ibinaba. Hindi pa rin humuhupa ang aking galit na kahit sa kanya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ganoon.
"Kumalma ka nga muna!"
"Paano ako kakalma kung nagpapalandi ka sa iba!" sigaw kong tuluyang sumayad sa lupa ang aking mga paa.
Grey's lips part a bit. Mariin ang tingin niya sa akin at parang galit siya sa aking ginawa.
"Is she your type?" Nanliit ang aking mga mata sa kanya.
Grey licked his lowerlip at nameywang habang lumakbay saglit ang mga mata sa kawalan.
"K-Kaya ba ayaw mong makipagdate sa akin?" Nanlumo ako ng husto sa sarili kong tanong.
Siguro nga ay hindi na ako ang gusto niya.
"Na turn-off kana..." dagdag ko lalo na't hindi niya pa rin ako tiningnan at nanatiling nakatikom ang bibig, walang balak magsalita.
Maybe it's really over for us. Siguro nga ay hanggang dito na lang talaga. Siguro ay hindi na ito maaayos pa. Paano ko nga naman ito ipipilit kung ayaw niya na? Kasalanan ko rin naman ito. Kaya bago man lang matapos ang lahat, sagarin ko nalang ang sakit at ilabas ang gusto kong sabihin sa kanya. De bale na kung ma reject. Siguro ay pinaparusahan niya ako dahil sa lahat ng sakit na naiparamdam ko sa kanya.
"Oo na! Oo na! Inaamin ko na! Nagseselos ako! Nagseselos ako, Grey! Nagseselos ako dahil ayoko'ng mapunta ka sa iba!"
Nagulat siya at mabilis na napatingin sa akin. Lumandas agad ang luha sa aking mga mata na kanina ko pa kinikimkim gawa na rin ng sobrang frustration at kirot na nararamdaman ko sa aking puso.
"I like you, okay?! Gustong gusto kita! Gusto kita, Ashton Grey!" Mas malakas ang aking boses sa pagkakataong ito, hindi alam kung saan ako nakakuha ng lakas para umamin pero nailabas ko iyong lahat.
Hindi naman sana ako lasing at iyong pesteng pineapple shake lang naman sana ang nainom ko pero dinaig ko pa ang lasing sa sobrang kapal ng aking mukha sa oras na 'to. Baka may aksidenteng nahalo ang bartender sa pineapple shake o baka ay nalasing din ako sa matinding pagseselos.
Ang nakaawang niyang labi ay unti-unti niyang itinikom at muling binasa ang pang-ibabang labi. Muling iniwan ng kanyang mga mata ang akin kaya nadisyama ako lalo.
"Gusto nga kita! Hindi ba't ito ang gusto mo noon pa man? Hindi ba't gusto mo itong nababaliw ako sa 'yo? Heto na, Grey! Maging masaya kana!" I pushed him.
Hindi ko man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan. Kinuyom ko ang aking kamay at nagtangkang suntukin ang kanyang matigas na dibdib ngunit sinalo niya lamang iyon gamit ang kanyang kanang palad. Bigla siyang yumuko at bago ko pa mahulaan ang kanyang ginawa ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa aking labi.
Ang galit na naramdaman ko kanina ay agad na natunaw at napalitan ng iba. I feel like I am melting. Hindi lamang ako at pakiramdam ko ay buong mundo ko na ang natutunaw. Namimilog ang aking mga mata habang mariin ang pikit ni Grey at magkasalubong ang kilay. Sa gitna ng dilim, pakiramdam ko ay lumiliwanag kaming dalawa. Ang tanging maririnig ay ang hampas ng alon at malakas na kalabog ng aking dibdib.
"Ganyan ka pala ka ingay pag masyado kang nagseselos. You talk too much..." bulong niya sa aking labi nang humiwalay ngunit nakalebel pa rin ang mukha sa aking mukha.
Nasunog ang aking mukha lalo na't masyado pa siyang malapit sa akin. Ni hindi pa ako nakaka move-on sa pagdampi ng kanyang labi sa aking labi.
"Now listen and let me answer all your frustrations." Ang palad niyang nakakuyom sa aking kamao ay unti-unti niyang iginapang sa aking mga daliri para mahawakan ako ng mas maayos.
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
RomansaChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...