4th Slipped

57K 1.7K 247
                                    

Slipped

Date

"Grey's getting grumpier..."

"Baka hiwalay na sila?"

"Nagcheat daw si Chey eh. May kadate na lalake sa Mall."

"Ano ba 'yan ang kapal naman. Di pa nakontento eh Delafuente na nga ang boyfriend niya."

I tried to compose myself kahit na kaonting tsismis nalang ay mabubura na ang kilay ko sa sobrang stress. Naghagikhikan pa ang dalawa kong kaklase na nasa likuran ko lamang at walang magawa kundi pag-usapan ako.

Nilingon ko sila. Agad na siniko ni Ria ang katabi niyang si Jea lalo na't tumatawa parin. Ngumiti ako ng matabang.

"Hindi ba maganda ang mga buhay niyo at buhay ko ang pinagt-tsismisan niyo?" I asked softly.

Natikom ang kanilang bibig at kanya-kanyang nag-iwas ng tingin. Ibinalik ko rin ang atensyon sa aking notes kahit na gusto ko nang isaksak doon ang hawak kong ballpen. Bakit ba kailangang pagkaunteresan nila ang nangyayari sa buhay ko?

Simula noong nangyari sa Mall, noong nagtapat sa akin si Aries ng kanyang nararamdaman at binasted ko siya ay hindi na ako muling napadpad sa library. Hindi ko rin naman siya nakikita sa campus. Maybe he's a loner since he's a nerd kaya nasa sulok sulok lagi at bihira lang sa crowded places.

Tuwing lunch, sumasabay parin ako sa mga pinsan ko to avoid seeing Toshi with his girl and of course, naroon din ang halimaw na si Grey.

I am trying my best to concentrate with my studies at kahit sa bahay, mga libro parin ang inaatupag ko.

"Put me down, Vincent!" Ang natatawang boses ni Mommy at Daddy ang kumuha ng aking pansin.

Kakarating lang ng dalawa. Ang iilang buttons ng polo ni Daddy ay nakabukas at buhaghag pa ang buhok while Mommy's dress is quite exposing her legs dahil buhat buhat siya ni Daddy.

"Chey?" Nagulat si Daddy nang makita ako sa sala.

Ngumiti ako at kumaway. Napatingin din si Mommy sa akin.

"Baby, why are you still awake? Pasado alas dyiz na ah?" ani Dad.

Ipinakita ko ang aking notes. "Ang raming assignments, Daddy. Plus may quiz pa kami bukas kaya nag-aaral ako."

Mommy pat Daddy's shoulder to put her down ngunit hindi talaga natinag si Daddy.

"Hindi parin kayo nagkakabati ni Grey? Siya ang study buddy mo ah?" si Mommy.

That devil! Pati parents ko sinanay niya sa ganoon niyang tactics. Pakiramdam ko tuloy napakawalang silbi ko pag wala siya. I hate it.

"I don't need him, Mom. Kaya ko naman ang mga ito. 'Tsaka Grey's preparing for his college. Mas mabuting mag kanya kanya nalang kami sa pag-aaral para di madisturbo ang isa't isa."

Ilang sigundong nanatili ang tingin ng dalawa sa akin, na para bang hindi sila kumbinsido.

"You know honey, uso namang babaan ang pride at makipagbati nalang. Sanay naman kami sa away niyong dalawa," si Daddy na makahulugan pa ang ngiti.

Bumusangot ako. Totoo ang sinasabi ko! Hindi ako nagdadahilan dahil lang mataas ang pride ko at ayaw makipagbati. I think it's really better for the both of us to stay away from each other. Ang dami dami pang aalahanin sa school tapos dadagdag pa siya.

Bumaba ang aking tingin at tinitigan ang crushed words na kanina ko pa hindi maisipan ng magandang pamalit. My father chuckled.

"Manang mana sa'yo ang anak mo. Ang taas lagi ng pride."

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon