Slipped
I'm Sorry
Noong magsimula ulit ang pasukan ay medyo naging tahimik ang pag-aaral ko. Grey's not around pissing me off. Grade Twelve kaming pareho ni Toshi ngunit talagang ilap siya sa akin. Ewan ko ba... Close naman sana kami noong bata pa.
Kahit tuwing Sunday, hindi ko masyadong namamataan si Grey. Ang alam ko, balak kumuha ng Business Finance ni Toshi. Naiinspire ako bigla sa kanya na mag Business Finance nalang din pagkagraduate ko.
"Nakapagdesisyon kana ba sa kukunin mong course, Chey?" tanong ni Dad sa gabing iyon ng Sunday.
We're having a dinner at naging topic namin ang papalapit kong college. Ilang months nalang din naman at g-graduate na ako.
"Actually... I want to take Business Finance, Dad," sabi ko.
"Business Finance?" si Mommy habang bumabagal ang pagnguya ng pagkain.
Tumango ako at ngumiti sa kanilang dalawa.
"Yep! I want to help with our business soon kaya..." Ngumuso ako habang iniiwasan ang pag-aangat ng kilay ni Dad.
"Is that Toshi's course..."
Halos masamid ako sa sarili kong laway. Uminom ako ng tubig habang ang mga mata ni Mommy ay nanliliit sa akin.
"Chey... Do you still like him? His own course is nothing to do with your future. Decide what's best for you," si Mommy sa matigas na boses.
Ibinaba ko ang baso at tiningnan si Mommy na hindi mahitsura ang mukha.
"Mom, I want to pursue this course hindi dahil kay Toshi. Gusto ko talagang tumulong sa business, soon!" Sabay lingon din kay Dad na tila hindi sang-ayon sa mga pinagsasabi ko.
Pinunasan ni Daddy ang kanyang labi ng table napkin at seryoso na akong tiningnan.
"Hon... I think you need to think about this more. Future mo 'yan. Huwag mong ibase ang desisyon mo sa nararamdaman mo ngayon. Paano kung bigla kang makamove-on riyan kay Toshi? Paano kung kay Grey ka nabaliw? Edi bigla bigla kang mags-shift ng course dahil nawalan kana ng gana?"
Nalaglag ang aking panga habang namimilog ang aking mga mata. What?
"No, of course not, Daddy!-"
"Yes, why not? Maraming pwedeng mangyari..." ani Dad saka sila nagkatinginan ni Mommy.
"Hindi ako magkakagusto kay Grey!"
"Focus with the whole sentence, Chey. Huwag kang magfocus sa isa lang. Widen your mindset," si Mommy na inangatan ako ng kilay.
"Ang ibig kong sabihin ay magdesisyon ka para sa sarili mo hindi dahil sa ibang tao. At least if your feelings change it won't affect your future, your decisions. Do you get it, Chey Venice?" si Dad.
Ilang sigundo kaming nagkatitigan ni Daddy. Humalukipkip ako sa aking upuan.
"Hindi nga dahil kay Toshi ang desisyon ko," sabi ko.
Daddy sighed defeatedly. Si Mommy naman ay ngumiwi sa akin.
"Then? Give us a valid reason," si Mom sa seryosong mukha.
"Dahil nga gusto kong tumulong sa business. Yun iyon."
Lumambot ang ekspresyon ni Daddy. Si Mommy naman ay hindi parin kumbinsido. Kung hindi hinaplos ni Dad ang kanyang braso ay hindi hihinahon ang kanyang nagdududang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
S L I P P E D (NGS #7)
RomanceChey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about her supposed crush on Toshi Delafuente. Mula noon ay sigurado siya sa kanyang nararamdaman para sa k...