12th Slipped

49.3K 1.3K 225
                                    

Slipped

Slipped

Umuwi rin naman ang parents ko. I think the meeting succeeded dahil mukhang good mood sila. Daddy looked tired but he looked very please. Niyakap niya ako pagkarating niya at hinagkan ang aking ulo.

"I missed you so much..." ani Dad nang unti-unting lumuwag ang kanyang yakap.

"I missed you too, Dad... Mom..." Nilingon ko si Mommy na nakangiti sa amin, ang mga mata ay namumungay at halata rin ang pagod sa byahe.

"Here's your request, Chey... I almost forgot about it, buti naalala ko kanina bago kami pumuntang airport," ani Mommy at inilahad sa akin ang pinabili ko sa kanya roon.

Tuluyan akong pinakawalan ni Daddy. Mabilis ko iyong kinuha lalo na't sinundan pa ng tingin ni Dad, gusto ring makisilip. Sinilip ko ang laman at nakita ang isang box. Kinuha ko iyon para buksan.

"What's that? Toshi's..." he said in a trailing voice.

"Yes, Daddy." Ngumisi ako.

Nailing siya at sumulyap kay Mommy.

"Iyan ba iyong binili mo at hindi kana nagpasama?"

"Let her, Vincent. Stop being so overdramatic." Marahang natawa si Mommy kaya hinila ni Dad ang kanyang beywang.

Binuksan ko ang box habang sumusulyap sa parents ko na naglalambingan na. Bumungad naman ang makinang na rolex na balak kong ibigay kay Toshi sa kanyang birthday.

Nasanay na si Mommy sa mga pinapabili ko sa kanya. Sinusuportahan niya ako sa kabila ng pagiging strict ni Dad sa ganitong bagay pero hindi naman gaanong tumututol.

"Chey is pleasing her crush too much... Ganoon ka rin ba kung sakaling naging crush mo ako noon? Are you willing to buy expensive gifts for me?" Narinig ko ang bulong ni Daddy kay Mommy habang yakap yakap niya ito sa likuran at ang baba ay nakahilig na sa balikat ni Mommy.

"You know you are not my type, Vincent. Hindi sasagi sa isipan ko ang bilhan ka ng kung ano ano. Ni hindi nga kita naiisip," si Mommy.

Natawa ako sa biglaang pagsimangot ni Dad.

"Ouch... That hurts..." Gumapang ang halik ni Daddy sa kanyang leeg. Tumawa si Mommy at pilit umiwas, siguro ay nakikiliti.

"Stop it, Vincent!" Tumatawang saway ni Mommy na ikinahalakhak din ni Dad.

Kinarga niya ito.

"We're going to rest, hon. Let's just talk later, okay?" ani Dad.

Tumango ako sa kanilang dalawa at pinanood ang pag-akyat nila sa kwarto. Sumunod naman ang mga katulong na hila hila ang kanilang mga dala.

Hindi ko na ulit namataan si Zera sa college building sa mga sumunod na araw. Wala rin akong ideya kung anong ipinupunta niya rito at ang sabi lamang ni Toshi ay kung ano ano raw talaga ang pinaggagawa noon.

Pasulpot sulpot naman si Grey. Nagugulat nalang ako na nasa tabi ko na pala siya at hinihila na ako sa parking lot.

"Saan na naman tayo pupunta?" tanong ko habang binubuksan niya ang front seat.

"Kakain sa labas," he said at inalalayan ang aking pagpasok.

"Eh ba't hindi nalang sa cafeteria?" Pumasok ako at umupo.

Hindi sumagot si Grey at isinara ang pinto ng kotse. His familiar scent lingered on my nose. Iginala ko ang paningin sa loob at wala ring nagbago.

Bumukas ang driver's seat at pumasok si Grey. Sinimulan niyang paandarin ang kotse.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon