45th Slipped

103K 2.5K 417
                                    

Slipped

Proof

Habang hinihintay na ma-discharge si Rousseau ay si Grey ang madalas na nag-aalaga sa kanya. Siya rin ang nagpapakain at siya ang madalas na kausap ng aking anak.

Mga bandang alas otso ng umaga ay nagsidatingan naman ang aking mga pinsan para dalawin si Rousseau. May dala dalang prutas ang mga ito. Nalaman nila sa bahay ang nangyari kaya agad silang napasugod dito para kumustahin si Rousseau.

"Ibig bang sabihin nito ay nagkausap na sila?" tanong ni Cassey nang maiwan kaming tatlo sa loob.

Si Naia ang nagpapakain ng prutas kay Rousseau. Nakaupo siya sa gilid nito at nililingon kami paminsan minsan ni Cassey.

Tumango ako. "Nagkausap na sila..."

Cassey's eyes widened. Si Naia ay simpleng tingin lamang ang iginawad at muling sinubuan si Rousseau ng isang piraso ng grape.

"Did you tell him about that bitch?" si Cassey na nagsisimula agad manggigil ang boses.

Tumango ako at hinaplos ang batok. Ngayon pa umeepekto sa akin ang pagod at antok. Magdamag akong dilat at hindi makatulog dahil sa pag-aalala kay Rousseau. Ngayon na maayos na ito ay ngayon pa umeepekto sa akin ang panghihina.

"Everything? She claimed herself as Grey's girlfriend," bulong niya, sapat lamang na ako ang makarinig.

Well, hindi naman nalinaw ang talagang tunay na relasyon nilang dalawa but base on what Grey told to her, she has no position in his life. Masyado kasi itong nanghihimasok si Elaiza sa buhay ni Grey. O baka ayaw lang ni Grey na lumalampas si Elaiza sa linya katulad ng kanyang kinlaro pero maliban doon ay wala nang nabanggit pa. I haven't ask him about it, too, since ba't ko nga naman hihingin ang ganoong paglilinaw sa kanya when he's free? He can do whatever he wants and he's free to fall inlove with someone else. Kung nakahanap siya ng iba habang wala ako ay hindi ko dapat iyon ikagalit.

Iyon nalang ang palagi kong pinapaalala sa aking sarili dahil alam ko sa kaloob-looban ko ay hindi ko rin tanggap. The feelings I buried for him years ago keeps on growing. Kahit anong putol ko, talagang namumunga at kumakalat ang ugat sa kabuuan ng aking sistema.

Naia started to talk with Rousseau to distract him with our topic. Humalukipkip naman ako lalo na't hindi ko rin nasabi ang lahat lahat kay Grey.

"'Yung cancellation lang ng schedule ang nabanggit ko," sabi ko na ikinangiwi niya.

"Why? That bitch deserves a harsh punishment. Pati bata dinamay niya sa kagagahan niya," her voice hardened.

Sumulyap ako kay Rousseau na seryosong nakikipagkwentuhan kay Naia at mukhang ang kanilang topic ay si Grey na lumabas muna saglit para asikasuhin ang kanyang pagka-discharge at bill sa hospital. I wanted to pay it but he insisted he'll take care of it kaya hinayaan ko nalang.

"Yes I'll satisfy myself with my revenge for her but it's futile, Cassey. Ayokong magaya sa kanya. Desperada at hindi nag-iisip dahil nadadala sa bugso ng damdamin."

Cassey's expression calmed down when she realized what I'm trying to say. Nilingon niya si Rousseau na nawiwili sa pakikipag-usap sa kanyang Tita Naia. She sighed.

"At least Rousseau looked very happy. Kahit hindi ngumiti ay kumikislap ang mga mata. This is his father's territory. He's finally home."

Iyon lang naman talaga ang mahalaga dito. Ang kapakanan lang ni Rousseau ang main priority ko. I'm fine as long as he's fine, too.

Bumalik din naman ilang oras ang makaraan si Grey sa loob. Dala dala niya ang papers ni Rousseau. Cassey almost smirked playfully but I glared at her. Si Naia naman ay nakahalukipkip nalang, tahimik na nakikiramdam.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon