14

820 25 12
                                    

General






"Mag update naman kayo kahit IG story lang." Sambit ni Buern habang nananghalian sila sa bahay ng mga Perez. "Last yata kayong nagpost ng picture together last two months pa."

Ibinaba ni Vice ang hawak na kutsara at sandaling pinainom ang bunsong anak sa kanyang kaliwa.

"Hala oo nga no."

"Yung mga anak nyo nalang i-ig story mo ma." Dagdag ni Erna.

"Siraulo. Di nga nya pinupublic eh." Singit ni Kitty.

"Kalbuhin kaya kita dyan?" Sagot naman ni Vice.

"Baka lang naman." Kamot batok nitong tugon."But I know naman na dipa kayo ready na ipublic sila. So kami nalang." Aniya at kinuhanan si Ariel ng litrato.

"Ayusin mo yan Erna ha?" Banta ng bakla habang pinupunasan ang bibig ng anak.

"Ano caption mo Erna?" Tanong ni Buern.

"Cute ni baby, kamukha ng mommy." Sagot nya.

Hinintay nila ang reaksiyon ni Vice ngunit nagkibit balikat lamang ito.

So they took as a sign that she is okay with it.

"Yung mag-ama mo me, wala ata?" Tanong naman ni Kitty.

"Nanonood lang yon sa DEN. Teka nga pupuntahan ko lang baka gutom na si Bien. Bantayan nyo tong anak ko ha, kundi lulunurin ko kayong tatlo. "









"Babe--oh." Naputol ang pagtawag ni Vice sa asawa ng madatnan ang mga itong nasa mahimbing na pagkakatulog.

Nakahiga ang mister nya sa sofa habang mahimbing naman na natutulog si Bien sa dibdib nya.

Naiwan pa nilang nakabukas ang TV. Pagkatapos nitong isara ang TV ay kinumutan nya ang kanyang ama kasunod ng paghalik nito sa ulo ng dalawa.

"Napagod ang mag-ama ko."

Napangiti sya ng mapagmasdan ang mga ito. Sa pakiwari niya ba ay magkamukhang magkamukha ang dalawa.

Matapos siguraduhing maayos ay nagpasya siyang iwanan na lamang sila dito.

"Oh asan sila ma.?" Tanong ni Buern.

"Ayon, borlogs ang dalawa." Sambit nya at muling tumabi sa kinalalagyan ng anak na kasalukuyang pinapakain ni Erna.

"Nga pala me. Tuloy ba yong bakasyon natin next week.?" Singit ni Erna.

"Ay.. Oo nga pala. Oo. Oo. Tuloy yon, nakapangako na ko kay babe eh." Sagot nya.

"San tayo?"

"Don sa hindi matao?"

"Okay noted."

Tinapos nila ang kanilang pagkain at nagpasyang sa sala nalang muna.











---

"Babe, kanina may napanood ako." Kwento ni Ion habang inaayos nito ang mga unan sa kanilang kama.

Binalin nya ang tingin sa asawang kasalukuyang inaalog alog sa magkabilang kamay ang dalawang bote ng gatas.

"Babe." Tawag nya ng mukhang hindi sya nito narinig.

"Here babies." Inabot nya kina Bien at Ariel ang mga ito at hinayaan sila na mismo ang humawak nito at nilagay sa bibig.

Pagkatapos nitoy naglakad sya sa kanilang kama at umupo sa dulo nito.

"Ano nga yon babe?" Balik na tanong nya dito.

"May napanood ako kako." Kwento nya. "Uso na naman pala yung mga drug raids no?"

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon