1

1.7K 42 53
                                    

VICE



"Goodmorning babe." Sambit ko at agad na ngumiti ng mapagtantong napakalapit at nakangiting mukha ni Ion ang sumalubong sakin.

Asus. Tinititigan na naman ako.

"Goodmorning, misis ko." Nakangiti nyang tugon saka ako hinalikan sa tungki ng ilong ko.

'Misis ko'. Ang sarap naman non.

Ay shet kasal na pala kami. Kasal na kami kahapon. I still cant believe it. Im finally settled with him. I am his partner for life. We're lifetime partners. We are one. ( BTS? Char.)

Ang bilis no? Parang kahapon lang natatakot pa ako. Natatakot pa akong tumanda magisa. Natatakot pa kong habang buhay na lang akong magpapatawa habang ang mga kaibigan ko ay kanya kanya ng bumubuo ng masaya at sarili nilang pamilya.

Parang kahapon lang nung unang nakita ko tong lalaking to sa GGV. Pagkatapos ay sa showtime. Parang kahapon lang ang lahat ng iyon. Yung saya, na hindi naging madali. Yung sarap, na nooy nahaluan rin ng lungkot ,pangamba, hirap at takot.

At ngayon mahal na mahal ko na siya. Ngayon natagpuan ko na ang habang buhay ko sa kanya. Ngayon iisa na lang kaming dalawa. Sino bang mag-aakala?

"Mabaho ba hininga ko? Bakit di ka umiimik Babe?"

Natawa naman ako sa tinanong nya. Napatunganga ba ako?

"Hindi kaya."sambit kot sumiksik sa leeg nya."Parang yung sa akin nga ang mabaho eh."

"Mabaho?Tignan nga natin. Halikan mo nga ako."pilyong sabi nya kaya naman ay bahagya ko syang nahampas sa leeg.

"Aga-aga Benigno!" Malakas kong sagot sa kaniya. I heard him chuckled. Naramdaman ko naman ang kamay nya na yumayakap sa bewang ko.

"Babe." Malambing na sabi nya.

"Hmmmm?"

"Mag-asawa na tayo." Sinserong sabi nya."Mister mo na ako, misis na kita. Ang galing ano?"

Napangiti naman ako. Kahit ako naman parang hindi makapaniwala. Ang isang tulad ko ay maliit ang tiyansang magkaroon ng ganitong kasiyahan, pero masasabi kong isa ako sa pinagpala. Isa ako sa hindi pinagkaitan ng biyaya.

Hindi ko maisip na darating ang araw na to. Pero sobra pa sobra ang saya ko. Alam naman ng buong mundo. Alam niyo. And everything felt so magical. Everything felt surreal, indeed.

"Oo nga. Di mo ba inexpect?"

"Di ko inexpect, pero pinangarap ko." Malambing niyang sabi.

"At ito yung pagmamahal na hindi ko inasahang dadating, pero hindi ko din gugustuhing umalis."

Ramdam ko ang paghalik nya sa ulo ko. Pinakapaborito kong gestures nya.

"Sobra kong saya."

"Ako rin syempre."

Ilang minuto pa kaming nagyakapan. Ayaw ko din namang masira tong moment na to. This is so perfect.

Me,waking up with my husband beside me. Cuddling while whispering sweet words to each other. And being so contented with the love of my life. Ang perfect, ang panatag.

Wala ng mas papanatag pa sa yakap na pinadadama nang taong tunay mong minamahal.

Kahapon lang at tandang tanda ko kung pano kami pinagisa.



"I, Jose Marie Viceral, take you Benigno Perez as my loving husband. Like this ring, I promise to hold you and to cherish you every moment of my life. And from this day until tomorrow comes, my love will always be devoted and begiven to you and only to you. For better at walang for worse til death to us part."


After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon