19

1K 25 6
                                    

"We're home!" masayang sigaw ni Vice ng makapasok sila ng bahay.

Nakangiting nakasalubong din ang mga angels nila na pawang naghanda sa pagbabalik nila ngayon sa bahay. Kinuha nito ang mga gamit na dala dala nila.

Buhat buhat ni Vice ang anak habang nakasunod ang ina, pati na rin ang mga kapatid nya. Lumapit si Ion kay nanay Rosario upang magmano at ipahalik ang bunsong anak, na ngayon ay pawang tuwang tuwa na muling masilayan ang ina, at ang kapatid nya.

"Ate, pakihawak naman si Bien." nakuha naman agad ito ng kapatid kaya naman ay dahan dahang binuhat si Bien mula sa kaniya.

Sandali pa silang nagkatinginan ng asawa bago ito humalik sa pisngi nya na agad namang naputol ng agad na yumakap si Ariel sa kanya.

"I miss you anak ko." pinupog nya ito ng halik sa noo at pisngi. "Miss na miss ka ni mommy anak."

Tumingin sya sandali sa asawang tahimik lamg din na tinitignan ang reaksiyon nya, pagkatapos ay binalik agad sa anak ang atensyon. "Miss na miss kana ng mommy." suminghot sya sandali. "Sorry anak ha? Sorry kung napabayaan ka ni mommy. Sorry." aniya ngunit nakatingin na sya sa asawa ng sabihin nya ang huling salita. Nasa ibang direksiyon naman ang tingin ng huli kaya hindi sya nito nadinig.

"Nay, halina po kayo, nagpahanda po ako ng mga pagkain."


















"Mukhang namiss talaga kayo ng mga bata ano?" puna ng ate tina habang kumakain sila. "Tignan mo tong si Bien, parang excited at miss na miss yung pwesto nya diyan sa tabi ng daddy nya."

Binalingan nila ang batang tahimik lamang na nagpapasubo sa daddy nito.

"Then our baby Ariel. Look how she gripped firmly at Vice's arms." Pansin nito sa bunso ng mag asawa. "Plus she dont even wanna sit beside her mom, instead she made sure that she'll be on her mommy's lap, to be assured that you wont be gone. What a cutie baby."

"Segurista pala ang baby." dagdag naman ni Babot. "Paano miss na miss ka niyan, parang isang dekada kang hindi nakita."

Natawa naman sila, samantalang si Ion ay napangiti lamang habang sinusubuan pa din ang anak sa tabi.

"Ayaw na malayo sa mommy ano baby?" pagkausap ni Vice dito at yumuko pa upang makita ang reaksiyon.

"Ashyawkawalakhagfahalizada."

Nagtawanan naman sila sa sagot nito.

"HAHAHAHA ang cute talaga nitong bunso niyo."

Pagkatapos ng payapa at masayang kainan ay napagpasyahan ng buong pamilya na mapagpahinga na muna sandali sa sala.

Si Ion naman ay nagpaalam sandaling magpapalit muna ng damit, dahil nadumihan ito kanina habang pinapakain ang anak.

"Jackie, alisin mo nga itong mga mabibigat na laruan." tawag at utos ni Vice sa angel nila. "Pakitanggal na din nito, tsaka kung ano pa yung delikado dyan,kasi baka matamaan yong sugat ni Bien, masaktan."

"Yes ate."

"Tuy, magpalit ka muna ng damit o kaya magpahinga." sambit ng nanay Rosario ng maupo ito sa tabi nya.

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon