Hellooooooooo. Its a prank!!!!!! joke lang yong delete, in-unpublish ko lang talaga HAHAHA!!!!! (sorry na, busy lang tapos medyo may sumpong kaya ganon hehehe enjooooy!)
"Male-late ka na babe, pag di ka pa bumangon diyan." sambit ni Ion habang nagtatakang tinitignan ang asawa na nakahiga pa din sa tabi ng mga anak nila.
"Gising kana pala. Nagluto na ako sa baba. Kumain kana, para makaligo kana. Last taping nyo na ngayon diba?" tanong nya at umupo sa gilid ng kama.
Tumango naman ang huli. "Oo babe, last na nga 'yon."
"Masama ba pakiramdam mo babe? Wag kana lang kaya muna umalis?" sambit nito at tsaka lumapit sa asawa upang kapain ang noo nito. "Kung magpahinga kana lang muna kaya, gusto mo itext nalang natin si direk?"
Umiling iling ito at saka bumangon.
"Hindi na. Okay lang naman ako babe. Ewan ko, parang ayoko lang talagang bumangon at dito nalang sa tabi nila muna." ngumiti ito saka humalik sa pisngi ng asawa.
"Morning babe."
"Morning. Kumain kana sa baba." nakangiting sambit nito.
"Gusto ko kasabay ko kayo." nakanguso niyang sabi.
"Baka ma-late ka naman niyan? Maaga pa naman call time mo?" tanong nito at sinilip ang mga anak nila. "Tulog pa oh."
Nagliwanag naman ang mukha ni Vice ng may maisip syang magandang ideya.
"Alam ko na babe. Maliligo nalang muna ako, para pagkagising nila, sigurado ako gigising na din yan maya- maya eh, sabay sabay na tayo kakain ha?" sambit nya at humaplos pa sa pisngi ng mister.
"Sige babe." Siya naman ang humalik sa pisngi nito. "Magigising na din tong mga baby natin, maya-maya. Ganitong oras gising nila eh."
Nakangiting bumangon mula sa kama si Vice at nagpasya na ngang tumungo sa banyo upang tuluyan na ngang makapag ayos ng sarili.
--
"Kasama ba natin sila ate Anne babe, next week?" tanong ni Ion sa misis habang nasa pagitan nila ang dalawang bata. Si Ariel sa tabi ni Vice, si Bien sa tabi naman ni Ion.
"Depende, kung wala silang sariling lakad. Baka kasi dalhin muna nila si Dahlia sa lola nya. Alam mo na." paliwanag nito at inilapit sa bibig ng anak ang kutsara na naglalaman ng cereals.
"You dont want na baby? Ayaw mo na?" Ariel shooked her head and pointed the apple in front of her.
Vice chuckled and took one small slice and gave it to Ariel.
"Favorite mo talaga yan baby girl ah."
"Ahhhy, inform ko pala si nanay mamaya, para sa bakasyon natin next week." singit ni Ion ng maalala ang pinaplano nilang bakasyon.
"Di mo pa nasasabi?" Kunot noong tanong ni Vice.
"Ikaw ba nasabi mo na din, kina nanay Rosario?" balik nyang tanong dito.
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...