Hello mga kakosa !!!! chz Huhuhuhu ito na naman nakatapos na naman ako ng isang book. At ito na naman ako sa mahabang notes ko. Basahin nyo plzzzz.
I know, sobrang tagal ng itinakbo nitong librong ito. Alam ko din na bitin, (okay fine) kasi ikumpara mo naman sa book one ang layo-layo ng naabot non, compare dito.😭
Pero gustuhin ko mang pahabain pa to, sa palagay ko'y magiging unfair ako sa inyo, sa sarili ko, at higit sa lahat sa mga karakter na nabubuhay sa loob ng storyang to. Andami kong hindi magandang nararamdaman. I dont know how to explain it, but I have to be honest, hindi ako nakakafeel ng satisfaction sa works ko dito lately and sa writing. 😭 Pakiramdam ko, minamadali ko lagi yong pagsusulat kaya laging lame. Kulang kumbaga. Parang di ko nabibigay yong efforts ko. Hindi naman mataas standards ko pero i know na i can do more. I know I can make myself more satisfied. Naniniwala kasi ako na aside from the readers, dapat may satisfaction ka din sa sarili mo.
Pero hindi ko magagawa yon kung lagi akong naghahabol ng oras. Kung lagi akong nagmamadali. And lately, ganoon ang nangyayari sakin. Eager akong makapag update then after, marerealize ko na "hindi pala ganito, hindi pala ganiyan" ang gusto kong mangyari. Parang hindi talaga. At napapaisip na din ako talaga kung para sakin ba tong craft na to, or hindi. Nag eenjoy ako nong una pero lately, ginagawa ko nalang sya para hindi mabinbin, para di kayo ma-hang, at para di sayang. At ayoko sana ng ganon. Mas magandang magsulat kapag nararamdaman mo yong sinusulat mo. Kaya both wattpad and twitter serye ko minamadali ko nang matapos, at ito na nga, kasi di ko na din kayang pahabain pa yong guilt ko. Ayaw ko ng makapagsulat ng lame updates huhuhuhu. Nakakapagexert ako ng time, but not the effort I wanted to. And i feel bad for that.
Im really really sorry kung hindi ako ganon kagaling at kung hindi kayo nasatisfied kagaya ko, nauunawaan ko naman. Kasi mataas din ang expectations ko sa sarili ko at sa book na to (kasi diba feeling ko, hit yong book 1 or talagang madaming nakaappreciate, pero this time feeling ko fail sya). Pero nagpapasamalat ako sa mga nag abang pa din at nagbabasa despite those, despite sa mabagal na update (paspecial, di naman magaling HAHAHA ) pero maraming maraming salamat sa support nyo guys, naappreciate ko talaga. Lalo na yong mga nagbasa since book 1, upto now. At sobrang flatter pa din ako kapag nakakatanggap ako ng appreciation from you guys. Kayo talaga bumubuhay ng storya at imahinasyon ko. Thank u and i love you guys.
Kina Bien at Ariel ko, Mr. and Mrs. Perez, sorry kasi pakiramdam ko minadali ko yong journey niyo. Yong buhay nyo sa kabanatang ito. It didn't turned out as what i imagine. And i feel sorry to you, to the readers (kahit iilan lang naman kayo) and to myself as well. Hindi naging ganon kaganda sa plano ko para sa inyo. Pasensya na ha? Pasensya na din kung hanggang dito nalang kasi hindi ko na talaga kaya pa. Gustong gusto ko pero hindi magiging maganda ang lahat kung pagsasabayin ko along with my personal priorities.
I wanted to do be good in academics, and as well as in this craft pero for now, I can say that I am not capable of multitasking and for doing these at the same time. For me, to be able to do well in school is to spend most of my time studying, and to be able to be satisfied in writing is to give my full effort. And i cant do that, honestly speaking. Di ko na kayang pagsabayin, and i hope you guys understand. I have to focus, kasi pahirap na ng pahirap ang college life and I really really cant fail. Not now, not ever.
Very thankful ako sa patience, sa love and support nyo. Bibitbitin ko yon lagi and salamat sa mga naniwala, sa mga hindi, thank u pa din. Siguro in time, who knows? Baka balikan ko tong mundo na ito ng pagsusulat. Baka mahanap ko ulit yong urge and eagerness. Sana. Sana diba?
But for now, I'll stop writing and i think this is gonna be my last story na. Thank u so much guys, thank you talaga! Laham ko kayong lahat. And if ever you wanna ask me something, open naman ang DM ko sa twitter, active akong magkalat don @constantvglp mabait po ako, di ako nangangain.
Ayon lang. Hanggang sa muli. Thank you and lovelots :>>
✨This is your Ate chi, and
After Sorrow, is now signing off.✨
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...