General
Napagpasiyahan nina Vice kasama ang kanyang Team,na magbakasyon muna ng tatlong araw.
Bago bumalik muli sa trabaho ay napag-isip isip nilang magrelax muna. Matagal na rin naman silang hindi nakakapagbeach eh.
At tutal naman, pagkatapos nito ay wala na namang panahong makapagpahinga pa dahil sa dami ng trabahong naghihintay sa kanila.
Haisssssssst. Buhay Phenomenal.
"Oh ma, nakabusangot ka?" Ani Buern ng mapansing parang biyernes santo ang mukha ng bakla ng lumabas ito ng kwarto.
Nakasuot lamang ito ng manipis na white shirt,shorty shorts at slippers.
Magkakatabi lamang sila ng kwarto. Sina Vice at Ion ay magkasama sa iisang kwarto. Sina Buern, Kitty, Orli at Manny naman sa pangalawa, Sina Erna, Donna, Glorious at Archie sa pangatlo at sina Aaron, at Jan naman sa isa pang kwarto.
"Oo nga. Diba kaya nandito para magrelax bago tayo mag werk werk na naman."singit ni Erna na kinukuhanan pa ng pictures ang magandang tanawin sa paligid nila."Bakit mukha kang imbiyerna?"
Tanging pagkunot ng noo lamang ang nakuha nilang sagot sa huli.
"Luh. LQ ba kayo ng jowa mo?"singit ni Kitty."Ayyy asawa pala."
"Hindiiiii."inis na sabi nito.
"Ehhh bakit--"
"Doon nga muna ako."pagputol nito at dire diretsong naglakad patungo sa direksiyon ng mga nipa huts na may kalayuan sa mga kwarto nila.
"Nyare don?" Takang tanong ni Erna.
"Ewan ko."kibit balikat na sabi ni Buern.
Samantala, palakad lakad lamang sa tabing dagat mag-isa ang bakla habang nakayuko.
Mababanaag ang inis sa pagkakakunot noo nito at sa lalim ng pagkakabaon ng mga daliri sa paa sa buhanginan. Padabog dabog kasi itong naglalakad na animoy bata habang bumubulong.
"Seryoso?! Kailan pa sya naging conservative? Tsaka Beach to ah? Anong ineexpect nya?" Bulong nya at patuloy pa ring hinahawi ang mga buhangin na malalatayan ng kaniyang mga paa."Kainis."
Patuloy lamang sya sa paglalakad at pagsisipa ng maliliit na bato na madadaanan nya habang nakayuko pa rin at nasa baba lang ang tingin.
"Ouuuch-- Ohh." Sambit ng lalaking bumanga sa bakla.
"Ohhh I'm sorry, im sorry!" Gulat at hiyang sabi ni Vice at yumuko pa upang pagpagan ang paa nang natapakan nya.
"Oh no, its okay." Sagot naman nito at bumaba pa upang hawakan sa magkabilang braso ang bakla at itayo mula sa pagpapagpag nito ng paa nya."You don't have to do that really. Its okay miss."
Iniangat nya ang paningin at sinuri ang nasa harap nya. Itsura palang nito ay sigurado syang hindi ito Pilipino. Matangos ang ilong, maputi,mas matangkad sa kaniya at gwapo naman, undeniably.
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...