12

1K 23 5
                                    


2 YEARS LATER....



"Oh hi Babe."bati ng mister ni Vice ng pagbuksan siya nito ng pinto. Agad siyang humalik rito."Kumain kana? May niluto akong tinola, gusto mong ipaghain kita?"

"Hindi na Babe. Medyo busog pa naman ako eh."anito at inabot naman ng mister ang bag niya.

Dumiretso naman sa Vice sa kinaroroonan ng dahilan ng kaniyang pagmamadaling umuwi.

Lumuhod pa sya upang maabot ang mga ito.

"Hi Bien, hello Arieeel. Muaaaahhh..."hinalik halikan pa nya ito ng paulit-ulit."Miss ko babieeesss. Muahh, muahhh."

Ang baby boy na si Bien na nanggaling kay Vice ngunit isinunod sa pangalan ni Benigno at ang baby girl na si Ariel na kay Ion naman nagmula at kinuha sa pangalan ni Vice na Marie.

Napangiti naman si Ion ng madatnan ang asawang nakaluhod sa sahig at nakikipaglaro sa bata. Inilapag nito ang baso ng gatas na itinimpla niya.

"Mamah.."napangiti pa siya lalo ng makitang magningning ang mata ni Vice ng tawagin siya ng kanilang baby girl na si Ariel. Bagamat nakaupo sa sahig ay inaabutan ng anak si Vice ng kinakain nito."Wow Babe oh. Ang thoughtful ng anak natin oh. Look, binibigyan niya ako ng biscuit.."

Nakangiting tumango na lang si Ion dito. Masyado pa niyang dinadama ang napakagandang tanawin sa harap niya.

Ang misis nya, at ang dalawa nilang anak. Ang sarap sarap lang.

"Mamah."ibinaling naman nito ang tingin kay Bien na nakatayo at inaabutan siya ng laruan nitong eroplano.

"Play tayo?"

Tahimik lang na nakamasid pa rin ito sa magina nyang naglalaro.

"Babe, ipinagtimpla kita ng gatas."pagtawag niya dito.

"Mamaya na ulit magplay baby ha?"paalam nito sa anak.

"Kanina pa ka nakaalis sina Babot?"baling nya sa mister.

"Oo babe. May gagawin raw eh, sinabay pa nga nya si ate Emma kahit ayaw pang umuwi, tutal naman daw andito sila ate Nat."kwento ng binata."Eto oh gatas mo babe."

"Salamat babe."tugon nito."Kaya pala may mga bagong laruan na naman."

Tumayo si Ion at yumukod upang abutin ang tsinelas na nasa ilalim ng sofa.

"Ay naku. Nakalimutan kong iayos iyang tsinelas ko kanina."anang bakla ng mapansin ang hawak na tsinelas ni Ion."Jusko ang burara ko naman, buti hindi nakita at naisubo ng mga bata, madumi pa naman."

Hindi naman pinansin iyon ni Ion at muling yumukod sa harapan ng asawa."Tanggalin ko sapatos mo Babe."

"Thank you Babe."sagot nito at pagkatapos nitong suotin ang tsinelas ay tumayo saka inikot ikot pa ang leeg habang nakahawak sa batok.

"Babe. Magpahinga kana kaya, galing kapa sa taping eh."malambing na sambit ni Ion at hinapit sa bewang ang bakla."Ako nalang magbabantay sa kanila."

"Eh babe maghapon ka ng nagbabantay sa mga anak natin baka pagod kana rin." Sagot ng bakla saka ikinawit sa batok ng asawa ang mga kamay.

"Katulong ko naman sina ate Emma at Babot kanina eh. Hindi ko nga sila nahawakan eh, ayaw bitawan ng mga tita."tugon ng binata saka ibinalin ang tingin sa dalawang batang nakaupo sa sahig ng bahay nila.

Si Bien na ipinagpapatong patong ang mga laruang kotse at eroplano sa sofa at si Ariel na prenteng nanonood ng nursery ryhmes sa tv habang nilalantakan ang mangkok ng biscuit na nasa harapan niya.

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon