21

779 20 14
                                    

"Where are they? I wanna go home na." the little girl asked. Nakaupo ito sa gilid ng waiting area habang nakapatong ang mga siko sa tuhod at ang mukha sa maliliit na mga kamay.

"Lets just wait a little more." sambit ng katabi nito at binalingan sya ng tingin. "Are you still feeling dizzy?"

"A bit." pagtango nito ng marahan.

"You can lay your head on may shoulder if you want. Dont worry, daddy would be here in a minute." Tinignan nito ang relo sa kamay. "Yaya, malapit na ba si daddy po?" magalang na tanong nito sa tagabantay nila.

"Dont worry kids, your daddy is on his way na." sagot naman nito. "Malapit na yon."

Ilang minuto lang din ay natanaw nila ang sasakyan sa labas ng gate. Agad napangiti ang batang lalaki ng bumukas ang bintana nito at doon nasilayan ang ama na nakangiti at bahagyang kumaway sa kinaroroonan nila.

"Let's go. Daddy is here na." tawag nya sa kambal.Tumayo naman ito at naglakad, at sa likod nila ay ang tagabantay na bitbit ang maliliit na bag nila. Pagkalabas naman sa gate ay agad na sinalubong sila ng ama.

Walang pag-aalinlangan silang nagmano dito, at pagkuwan ay bumaba ng kaunti ang ama para pumantay sa anak at humalik sa pisngi nito, pagkatapos ay inakay sa magkabilang anak papunta sa sasakyan.

"Kamusta?" nakangiting tanong nito ng magsimula ng umandar ang sasakyan. "Parang napagod kayo ah." puna nya.

"I've got three stars po!" masayang sambit ni Bien, at tinaas ang kamay upang ipakita sa ama.

"Wow beri good naman yan." tugon nya tsaka tinapik ang ulo ng bahagya saka bumaling sa kapatid nito. "How about you bunso, kamusta? Bakit parang malungkot ka? May umaway ba sayo?"

Umiling naman ito. "I just feel dizzy daddy."

"Dizzy? Nahihilo ka anak?" paguulit nito. "Naku, do you-did you-do----- may nakain kaba sa school nyo?" gulong tanong nya at bahagyang hinaplos ang ulo ng anak.

Umiling naman nito. "Diyan ka nalang muna anak, pag-uwi natin sa bahay hihingi tayong gamot sa mommy ha?" tumango naman ito at hinintay na lamang na makauwi sila ng tuluyan sa bahay.

Hindi katagalan ay narating din nila ang bahay.

"Daddy, i'll go inside na po. Buhatin nyo na lang po si Ari, para hindi na po sya mahilo." paalam ni Bien ng bumukas ang pinto ng sasakyan.

"Sige anak. Hintayin mo na lang kami sa loob. Dahan dahan Bien, wag tatakbo baka madulas ka ha." tugon ng ama at ibinaling ang tingin sa anak tsaka ito kinarga.

"Yes po daddy."

Ilang sandali pa ay sumunod na din sila sa loob at dumiretso sa sala.

"Where's mommy?" tanong ni Ion ng madatnan ang anak sa sofa at nagtatanggal ng sapatos.

"Nasa kitchen po. Magwawash muna daw po sya ng kamay kasi nagluluto sya ng soup po eh." sagot nito. Napatango naman ang ama at nilapag ang anak sa sofa.

"Alisin mo na din sapatos mo anak." sambit nito sa bunso.

"Here's your slipper Ari. Kinuha ko na din kanina para hindi ka mapagod." sambit ng kapatid.

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon