ION
Pagmulat ko palang ng mata ko ay nakaramdam agad ako ng sakit ng ulo marahil sa paginom ko kagabi, ngunit napangiti rin ako agad ng matamis.
Paanong hindi? Eh sobrang napakagandang nilalang ang bumungad at nakayakap sa akin ngayon. Kung gantong mukha ba naman ang dadatnan ko tuwing gigising ako, bakit hindi gaganda ang takbo ng araw ko diba?
Eh wala pang ka- make-up make-up yan oh. Ni walang suot na mahiwagang wig.
Pwede bang paki- explain sa akin kung bakit ang perpekto nito sa paningin ko? Kung bakit pati ang payapa niyang pagtulog sa tabi ko ay kayang magbigay saya at kapanatagan sa akin? Na kahit ang paghinga nya ay musika sa pandinig ko?
Pakisabi nga sa akin kung normal pa ba to? Kasi kung hindi, baka nga nababaliw na ako.
Pero ganon nga siguro sa pagmamahal. Lahat, mula pa sa maliliit na bagay ay kayang magbigay ng saya sayo. Mababaw pero malalim, matino pero nakakabaliw.
Kung ganon, ang sarap sarap mabaliw, kasi ang sarap sarap magmahal.
Halos ilang minuto ko lang siyang tinitigan habang payapa siyang natutulog. Pagkatapos ay kinuhanan ko siya ng litrato at agad na pinost sa instagram ko.
Alam kong magagalit siya kasi pinost ko siya at in-flex ng wala siyang kaayos ayos.
Pero ano bang magagawa ko? Eh sa naniniwala akong yung pagmamahal ko sa kanya, ay parang yung ganda niya. Natural, walang kahit anong halo. Puro. Totoo. Parang siya.
Hinalikan ko siya sandali sa noo at hinawi ang manipis nyang buhok saka ko napagpasyahang tumayo. Doon ko lang muling naalala yung nangyari kagabi, wala pala kasi akong suot na kahit ano.
Hala? Kinikilig ata ako. Pakiramdam ko nagblas ako eh. Blas nga ba yun? Ah basta pakiramdam ko naginit yung mukha ko ng maalala ko lahat kagabi. Masaya kasi ang tagal ko din yong hinintay eh. At alam din ng author na kayo din. Kaya kiss nyo siya please kasi nahirapan siya don. Hindi pwedeng ako kasi baka magalit yung misis ko eh. Skskskskskk HAHAHA.
Alam kong may tamang panahon para don at dahil mahal ko siya, alam niyo namang yung respeto hindi mawawala. At lalo ko pa siyang minahal ngayong lahat sa pagkatao at sarili niya ay nabigay nya na sa akin.
Sinong nagsabing hindi nya kayang punan ang lahat ng mga pangangailangan ko? Pano nila nasasabi yon? When in fact, alam kong bestfriend ko siya, girlfriend ko siya, asawa ko siya, partner ko siya, at pwedeng pwede kong sabihin na baby ko siya? Asan ang kulang ron?
Sinong may sabing iiwan ko din siya pagdating ng panahon, kung naipangako at handa ko pang ipangako sa kanya ang susunod naming mga bukas sa susunod pang mga taon? Sino?
Sinong may sabing hindi ko siya mamahalin kung wala na siyang pera? At kung hindi na siya si Vice Ganda? Kung gayon na nakita ko na lahat nang kahinaan niya at mahal na mahal ko pa din siya? Pera? Kung pera lang ang paguusapan kaya kong kitain yun ng hindi ko na kailangang dumikit sa kung sino man. Kung pera-pera lang to edi sana hindi ko itataya itong career ko para sa kanya kasi kaya ko namang tumayo sa sarili kong mga paa.
Pero hindi, kasi nga mahal ko siya.
Hindi, kasi nga pinipili ko sya.
Kasi nga mahal na mahal ko siya.
Mahal ko siya, kahit madalas maarte siya.
Mahal ko siya kahit madalas niya akong pinagseselos.
Mahal ko siya, kahit ang sungit sungit nya.
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...