22

829 22 13
                                    


Tahimik lang na nagtutupi ng damit si Vice habang nakaupo sa kama nilang mag asawa ng may mahinang katok na narinig syang madinig. Agad syang nag angat ng tingin at pagkuwan ay imbes na sa taas na bahagi ay sa ibabang bahagi sya napatingin dahil nakadungaw dito ang anak.

"Oh anak, bakit?"

"Pwede po ako pumasok?" magalang na tanong nito. Tumango naman si Vice bilang tugon.

Napangiti naman ang bata bago isinara ang pinto.

"Come here anak. Upo ka." anyaya niya saka itinabi ang mga damit upang magkaron ng espasyo sa tabi nya. "You need anything anak?" Sinuklay nya ng kamay ang buhok nitong hanggang balikat ang haba.

Ngumiti ito sa ina bago tinuloy ang sasabihin. "Mommy?"

"Yes baby?"

"Can I ask you po?"

"Of course anak. Ano 'yon?"

Kinamot nya sandali ang pisngi na tila nag-aalinlangan pa kung itatanong ang tumatakbo sa isip nya.

"Go on baby."

"Kasi po," panimula nya. "Daddy is so quite po kanina. Nag-away po ba kayo mommy? Are you mad at him?"

Maigsi syang ngumiti. Naisip nya na marahil napunan nga nila ang katahimikan ng ama, na palagi naman twing mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

"Hindi naman baby. Hindi kami nag-aaway ng daddy." sagot nya.

"Pero why do he look sad po?" pilit nito. "Kasi po, ganoon po siya whenever you are mad po eh."

Natahimik sya. Siguro nga'y magaling mag-observe ang anak dahil naunawaan nito ang pananahimik ng ama. Hindi naman sila nag-aaway sa harap ng mga ito ngunit masyado yatang matatalino ang mga anak, upang hindi mapuna ang hindi nila pagkikibuan.

"Mommy are you mad at him?" naputol ang pag-iisip nya ng magsalita muli ang anak. Binalin nya ang tingin dito at nakita nya ang nagtutubig nitong mga mata. "I'm sorry po, it's my fault. Please dont be mad at him."

"Sssssh. Why are you crying?" sambit ni Vice saka hinawakan ang pisngi ng anak. "Stop crying na ha? Mommy is not mad, okay? Stop crying na anak."

"Pero you're mad at daddy. Please dont be, mommy." nakanguso nitong saad. "Ako naman po ang nagpilit sa kanya eh. I'm sorry po, it wont happen again mommy. Sorry po, wag na po kayo magalit please mommy?"

Bumuntong hininga naman sya saka pinahid ang natitirang luha sa gilid ng mata ng anak.

"Mommy is not mad, baby. Okay? Ayoko lang na magkasakit ka ulit, kaya ganon. Pero, I'm not mad. Okay?"

"Talaga po? Magbabati na po kayo ni daddy?" nagpapacute nitong tanong sa kanya.

Ngumiti naman si Vice. "Okay po. Thank you po mommy." yumakap ito sa kanya tsaka humalik sa pisngi.

"I love you, anak. Dont be sad na ha." paalala nito.

"Yes po. Balik na po ako doon. I love you po."

Ngumiti naman sya dito saka inihatid ito ng tingin hanggang sa huling pagkaway nito bago tuluyang makalabas ng kwarto.

Napangiti na lang sya ng maisip kung gaano nila napalaki ng mabuti ang mga anak.

Hindi pare-pareho ang mga araw nila. May mga panahon at araw na nagkakatumpahan ang magkapatid, may panahon na sila naman ang may hindi pagkakaunawaan. May panahon ding nagtatampo ang mga ito, at may panahong hindi nila nailalaan ang mga oras sa isat-isa. Pero bukas naman sa isip ng mag-asawang Vice at Ion na normal lang ito bilang isang pamilya.

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon