3

945 38 20
                                    

GENERAL

"So pano? Are we really gonna keep this?" Tanong ng direktor habang inaayos ang maleta nito."This wedding and uhm, youre marriage?"

Nasa lobby sila ng hotel habang hinihintay ang iba pang mga kasama na bumaba mula pa sa mga kwarto nila. Ngayon kasi ang kanilang flight pabalik sa Pinas.

Tapos na naman ang pahinga at bakasyon. 'Bek to work' ika nga ng mga bakla.

"Oo nga Vicey. Secret pa din ba to? Or we can announce it to the madlang people?" Dugtong ni Karylle habang isinusuot nito ang shades."I know kikiligin ang mga iyon."

"Kagaya ng plano, walang lalabas."dagliang sagot ng bakla.

Bahagya namang nagkatinginan ang mga ito.

"Eh para san pang nag-shoot kayo, at pati yung ceremony nyo kung hindi naman malalaman ng mga tao?" Naglakas loob na tanong ni Jhong. "Natanggap naman na kayo ng mga tao diba? Bakit ililihim pa?"

Napatango tango naman ang mga kaibigan bilang pag sangayon sa sinabi nito.

"Hindi naman sa gusto kong ilihim. Its just that," napabuntong hininga ang bakla bago inilibot ang paningin. "Sa ngayon ayoko munang maintriga. I just wanna savour the moment, enjoy my life being a wife or a partner, for now."

Napatango tango naman ang mga ito bilang senyales na nauunawaan nila ang bakla.

"How about your fans ate? Yung mga little ponies mo?" Jugs curiously asked.

"Pati yung mga ViceIon fans? For sure gusto ng update ng mga iyon. Ano yun, magpapakiramdaman na lang din sila?" Dagdag ni Teddy na nakaramdam ng mahinang pagsiko sa katabi.

"Nagpromote pa siya ng kanta." Anito.

"Alam mo yang mga yan, kunting kibot alam nila." Napangiti pa ang bakla ng sabihin ito. "We can give them hints naman, kaunting bukingan ganern. Magegets nila yon, matatalino ata yung mga anak ko. But for now, ayoko munang iconfirm sa public. Alam naman nating pare-pareho na bukod sa congratulations baka marami ring bashing na matanggap, wala naman sakin yon, pero gusto ko munang matahimik ang buhay namin, minsan lang ako makaramdam nang kapanatagan at ayokong masira yon. Saka na siguro, hayaan niyo muna akong magenjoy."

"Okay we understand."

Binigyan na lamang sila ng ngiti ng huli.













--------

"Congratulatioooooons!!"

Bungad ng mga angels ni Vice sa kanyang bahay, kasama sina Kitty, Orli, pati ang Team Vice at Glam team nya ,na sadyang nauna ng isang araw sa paguwi rito sa pinas upang mapaghandaan ang surpresa nilang ito sa dalawang bagong kasal.

Syempre hindi naman sila papayag na wala silang gawin para sa bakla.

"Oh my God! Nakakaloka." Napabitiw pa sa pagkakahawak sa kamay ng asawa si Vice dahil sa gulat. Napatakip ito sa bibig at makikitang nagtutubig ang mga mata nito dahil sa kasiyahan.

Napangiti na lamang ang asawa nya at tahimik rin na inilibot ang paningin sa buong bahay, na pinagkaabalahang pagandahin at at ayusin ng mga bakla, mula sa magagara at magaganda nitong mga disenyo.

Dumako ang tingin nya sa asawang isa isang niyayakap ang mga kaibigan.

"Thank you, thank you so much." Bulong nito na halos humahagulgol na.

"Wow ha? Ang emosyonal ma ha? Buntis ka na niyan?" Ani Archie.

Natawa naman sila sa sinabi nito.

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon