9

874 31 5
                                    


GENERAL

It's been two weeks since they decided to moved in to their new house. Dalawang linggo na at tila hindi pa din sila masanay-sanay sa bagong bahay na kanilang tinitirahan.

"Babeeeeee!" Sigaw ni Vice na kagagaling lamang sa kanilang kwarto.

"Asan na ba yon?" Aniya at inisa isa pa ang silid ng bahay, mula entertainment lounge, Spa room, hanggang sa recreational area. Ngunit hindi nya ito nahagilap roon.

Napagpasiyahan na lamang niya na bumaba. At doon niya naabutang nakikipaglaro sa alagang mga aso ang kaniyang asawa.

"Broddi. Halika. Dali." Anito. "Kayo na lang kakausapin ko, ang sungit-sungit ng mommy niyo."

Napataas naman ang kilay nya sa narinig. Pagkatapos ay tumikhim para ipaalam Kay Ion na naririnig sya nito, at narito lamang sya sa malapit.

"Baddi, come here. Hang kyut-kyut naman." Anito na parang hindi napansin ang presensya ni Vice.

"Pati sa mga aso nagsusumbong ka." Ani Vice at lumapit pa."Humihingi ka pa ata ng simpatya sa kanila."

"Ang baho mo talaga, paliguan na kaya kita Broddi, ha?" Anito at di pinansin ang tinuran ng asawa.

"Ano ba? Hindi mo na naman ako kikibuin?" Inis na sabi ni Vice.

"Hindi mo din ako kinibo kanina." Sa wakas ay sumagot ito. "Tinanong ko lang naman kung kailan mo ba balak mag-anak, sinigawan mo na ako."

Napabuntong hininga naman ang bakla.

"Ion."

"Oo na gets ko naman eh. Ayaw mo, hindi mo kaya." Ani Ion at tumayo habang karga ang alaga. "Gets ko na, makulit lang ako."

"Alam mo naman na hindi ko kayang ibigay sayo yon. Una pa lang." Sagot ni Vice.

"Alam ko ring alam mo kung anong ibig kong sabihin. May iba pa namang paraan diba? Alam kong alam mo din yon." Sagot ng huli. "Pero ayun na nga. Nasasabik lang din siguro ako. Sinusubukan ko din namang intindihin. Pasensya na kung naging makulit ako."

"Humihingi ka nang pasensya pero di mo naman ako tinitignan. Labas sa ilong ba yan?" Anang bakla sa mas malumanay na tono. " Pasensya na din, hindi ko kasi, hindi ko alam. I'm sorry din kung nasigawan kita kanina, di ko naman sinasadya."

"Okay na yon. Ayos na."

"Sure ha?"

"Sure." Anito at ngumiti sa misis.

















-------

"Vhong." tawag ni Vice sa kaibigan. Kasalukuyang nasa ikalawang gap ang show kaya naman ang mga host ay nagkaniya kaniya muna ng mundo.

Ang ilan ay nasa dressing room, habang sina Vice, Vhong at Ryan ay nasa lounge.

Si Ryan na sinusubukang umidlip habang ang dalawa ay magkatabi. Si Vhong ay nakatutok sa telepono habang si Vice at nakahiga sa balikat nya habang malalim ang iniisip.

"Oh brad?"

Napailing naman ang bakla. "Ay. Wala wala pala."

Napakunot noo naman ito at nilapag ang telepono sa kandungan.

"Di nga brad. Ano yon? Kanina kapa tahimik dyan eh."

Napabuntong hininga naman sya at inalis ang ulo sa pagkakasandal kay Vhong.

"Naisip ko lang kasi," Simula nya." Tingin mo, magiging mabuting magulang ako, kung sakali?"

Saglit na napakurap si Vhong bago unti-unting napangiti.

"Oo naman Vice. Sa palagay ko, magiging mabuti kang magulang, magiging mabuti kang nanay. Kitang kita naman eh." Sagot nito. "At tsaka isa pa, sigurado akong magiging mabuting tatay yung mister mo."

"Eh-"

"Tsaka isipin mo yon brad. Isang araw magigising ka ng sobrang aga dahil sa iyak ng mga cute na bata, o kaya naman yung sala nyo mapupuno ng laruang pambata, yung mga halakhak nila na magtatanggal ng pagod mo. O kaya, kapag matanda kana, may mga batang big-biglang tatabi sa inyo sa higaan, may mag-aalaga sa inyo, at may-aattendan ka pang school events at sasabitan ng madaming medals kasi sigurado akong magiging sintalino mo yong mga yon, o di kaya yun naman magagandang mga mukha pero di nila sayo makukuha yon at kay Ion sigurado. Tap--"

Napatigil ito sa pagsasalita ng mapansing sumisinghot ang katabi.

"H-huy bat umiiyak kana?" Tanong nito ng humikbi ang bakla.

"Eh kasi ang sarap-sarap mag-isip eh." Anang bakla at parang batang napapapunas sa mata." Vhong naman eh."

"Para ka namang baby dyan Viceral. Naglilihi kana ba niyan?" Anang kaibigan at humagod hagod pa sa likod ng kaibigan.

"Huy Viceral, may ibang rason yan sabihin mo."

Umiling iling lamang sya ngunit kalaunan ay sinagot nya rin ang tanong nito.

"Palagi nang natatanong sakin ni Ion yung pag-aanak eh. Pero.."

"Pero?"

"Hindi ako sigurado." Aniya at ikinakunot noo ng huli.

"Panong hindi sigurado? Hindi ko gets brad."

"Natatakot ako eh." Pag amin nya at umisod ng kaunti at humarap sa kaibigan. "Ibang usapan na tong pag-aanak Vhong. Alam mo naman ang mundo diba? Pano kung danasin ng mga anak ko yung kaguluhan dito sa mundo? Yung panghuhusga na dapat ako lang ang makaranas, pano kung maranasan nila? Hindi ko kakayanin Vhong kung ganon'. At alam ko namang naiintindihan nyo ako, diba Vhong?"

Bumuntong hininga ang huli at saka umakbay sa kanya.

"Oo naman. Pero kung sakali mang magbago ang isip mo, andito lang kami at siguradong kayang-kaya nyong mag-asawa yon. Kayo pa ba, eh umabot na nga kayo sa puntong ito no."

Napangiti naman si Vice ngunit ilang segundo lang ay bumalik sa pagkalukot ang kanyang mukha.

"Bat ganyan na naman mukha mo?"

"Hindi kaya mainip si Ion kakahintay kung kailan ako makakapagdesisyon?" Tanong nito.

"Eh nahintay ka nga non ng matagal, eto pa kaya? Parang dimo kilala yon eh ang tiyaga tiyaga non eh. Mahihintay ka non, ikaw pa ba? Eh ang ganda mo eh."

"I know right." At sabay silang natawa.

"Thanks Vhong." Sagot nito at humalik sa pisngi ng huli.

"Ayan na pala mister mo."

Tinuro nito si Ion na naglalakad palapit sa kanya.

"Ayan namiss agad ako, ilang minuto lang akong wala sa tabi niya." Mayabang na sambit nito.



------

Buhay pa kooo hehhehe vomment?

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon