6

1.4K 34 48
                                    

(This is a restricted chapter, skip if uncomfortable. In other words kung di ka open minded lumayas ka! charot.)

"Hoy! Tulungan niyo na nga yang mga yan. Hatid niyo na sa kwarto mga bangag na oh." Ani Jan at itinuro pa sina Donna at Kitty na nakalupasay na sa buhanginan sa pagkakalasing.

"Ano pa nga ba?" Ani Orli.

"Pati si meme oh."ani Aaron ng mapansin ang bakla na medyo pinupokpok pa ang ulo habang nasa balikat ni Ion.

"Babe, lika na. Masakit na ulo mo diba?" Ani Ion dito at humawak pa sa bewang ng bakla.

Kasalukuyan pa din silang nakaupo sa sahig habang nakatupi ang isang paa at ang isa naman ay nakaunat ng bahagya.

Tumingin ito sandali kay Ion at lumunok bago isiniksik pa lalo ang sarili sa asawa. Yumakap ito sa dibdib ni Ion at sumubsob sa leeg.

Napatiim bagang naman ang huli ng maramdaman nito ang mainit na hininga ng bakla sa leeg.

"Matutulog na tayo Babe? Bakit?" Anito sa leeg ng asawa.

And as expected, it makes Ion feel uneasy, but somehow brings a tingling sensation to him.

"Patugutan mo yan babe, sasabyan ko na keka." Ani Ion.

"Ano Babe?" Tanong ni Vice habang nasa leeg pa din ng asawa ang mukha. Kaya naman ay mas lalong nakiliti ang pakiramdam nito.

Naglulumikot din ang mga kamay nito galing sa leeg, at sa batok, pagkuwan ay dahan dahan ding humahaplos ang mga kamay nito sa pisngi ni Ion, sa braso at bahagya din itong umaabot sa tiyan nang huli.

"Kuya okay ka pa?" Ani Aaron ng mapansing parang nagiging uneasy na si Ion.

"Ipasok na nga yan kuya,"singit naman ni Archie."Nagiging touchy na eh. Mamaya dito pa gumawa ng milagro yan."

"Gago!" Sagot ni Vice at napaangat ng tingin. Tinawanan na lamang siya ng mga ito at nagkanya kanya na ng pagliligpit at paghahatid sa mga kwarto ng mga kaibigan na ngayon ay lasing na lasing na.

Wala namang imik ang lalaki na inayos ang bakla at wala rin itong alinlangan na binuhat ang asawa na animoy parang hindi manlang nabibigatan.

Pagkatapos magpaalam ni Ion na mauuna na sila sa kwarto ay binaybay na niya ito ng hindi iniimik ang buhat buhat.

Habang buhat- buhat, ang bakla naman ay pasimpleng sinusulyapan ang kanyang mister. Seryoso ito habang nakakunot ang noo. Kinuha naman ni Vice ang pagkakataong ito upang matitigan pa lalo ang mister.

'Lord thank you. Thank you po sa lahat ng to. Lahat ng blessings at pati na din sa mga hirap na dinanas ko, kasi Lord kung ano man po lahat ng sakit na pinagdaanan ko noon, sobra sobra pong kapalit ang binigay niyo ngayon. Kaya maraming maraming salamat po.'

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon