23

636 14 17
                                    


Nagising si Vice mula sa tama ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto nila ng asawa. Natigilan sya ng mapagtantong nakabukas na ang malaking kurtina nito at dali dali nyang kinapa ang kabilang parte ng kama, ngunit malaki ang espasyo nito.

Tama siya, naunang nagising ang mister nya sa araw na ito. Napangiti sya at saglit na dinungaw ang litrato nila ng asawa kasama ang dalawang anak na nakalagay malapit sa higaan nila.

Napangiti sya pagkatapos ay nag-unat una bago napagpasyahang mag-ayos muna bago tuluyang bumaba.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napagpasyahan na nyang bumaba at saktong-sakto namang nadatnan nyang ipinaghahanda ng almusal ng mister nya ang mga anak nila.

"Goodmorning babe. Goodmorning babies." bati nya. Nabaling naman ang tingin ng mga ito sa kanya saka bumaba sa upuan at lumapit para humalik sa pisngi nya.

"Goodmorning po."

"Magandang umaga po."

"Morning babe." bati ni Ion saka tinanggal ang suot na apron at humalik sa asawa.

"Wow nagprepare ka ng breakfast ha? Anong meron?" nakangiting tanong nya at umupo na sa pwesto upang sabayan ang mga anak sa pagkain.

"Wala naman. Gusto ko lang kayong lutuan ng almusal. Hindi ko na kasi nagagawa madalas eh." paliwanag nito. Napangiti naman sya ng maiksi at pinagkibit balikat nalang ito.

Pagkatapos nilang magdasal ay kumain na sila at tahimik lamang hanggang matapos silang kumain. Pagkatapos ay sa sala naman nila napagpasyahang magpahinga muna.

Pansin naman ni Ion ang katahimikan ng asawa nya, mula kaninang kumakain sila ng almusal.

"Babe? May problema ba? Tahimik ka eh." pansin nito.

Umiling naman si Vice tsaka ngumiti ng maiksi. "Wala naman. Wala babe. May iniisip lang."

Tumango naman ito.

"Sure ka ha?"

Hindi.

"Oo naman." Nakangiting sambit nya. "Ay nga pala, naisip kong pumunta muna sa office mamaya, sa vice co. May ichecheck lang ako."

"Sure babe. Ako na bahala sa mga bata."

Nagpaalam naman ang isa na maliligo para tuluyan na nga itong makapunta sa opisina nya.

"Bukas pa dapat ako pupunta eh. Pero sige na nga, parang wala namang ganap eh." aniya sa sarili.





























Isang oras matapos nyang magpunta sa opisina ay nakatanggap sya ng tawag mula sa kaibigan.

"Hi brad!"

"Oh pango?"

"Eto naman, issue mo pa din pala yan sakin hanggang ngayon?" natatawang tanong nito sa kabilang linya.

"Di kapa nasanay, eh ilang taon ko ng tawag yan sayo." tugon nya dito.

"Sabagay."

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon