"Vhong, nakita mo asawa ko?" tanong ni Vice ng marating ang lounge."Ha? Hindi ba nagpaalam sayo? San kaba galing?" balik na tanong nito.
"Eh may mga fans kasi na nagpapicture, kaya pinagbigyan ko muna." anito at tumabi kay Vhong sa sofa. "Oh asan sina tiyang? Sina Teddy at Jugs? Pati si Anne? Akala ko ba may lunch pa?"
"Eh, may mga sariling lakad ata tsaka school errands eh." anito na pasilip silip sa telepono niya.
"Wow school errands! Spell nga!"
"Huwag na brad!"
Tinawanan naman nya ang reaksiyon nito ngunit pagkuwan ay napaseryoso sya ng mukha. Hinila nya ang buhok ni Vhong kayat napatili sya.
"Aray naman Vice!"
"Hoy! Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko Navarro. Nakangiti ka pa dyan sa cellphone." sungit sungitan nyang tanong. "Nasan nga yong mag-aama ko?"
Napakamot naman sya ng batok
"Umuwi na kanina pa."
"HAAAA?!?!"
"Aray naman! Sakit sa tenga. Nagtatanong ka diyan tapos sisigaw sigaw ka." angal nito. "Umalis na nga kanina, after ng picture picture. Mga thirty minutes ago na ata eh."
"Kalahating oras na!?"
"Ayan sisigaw na naman. Ang tanda mo na, ang sakit pa din sa tenga ng bunganga mo." reklamo nito.
Nakatikim naman siya ng sabunot.
"Nagtatanong ka tas mapanakit ka!"
"Nahiya ako sa edad mo vhong ha!"
Bigla namang napasimangot eto.
"Nakakainis lang ha. Ang dami na nyang kasalanan sa akin sa araw nato. Nakakainis na." pagmamaktol nya. Tinawanan naman sya nito.
"Bakit ba ang init-init ng ulo mo brad? Pati ako pinag-iinitan mo."
"Nakalimutan nya ata kong anong meron ngayon eh." nakasimangot nyang sabi.
"Baka naman kasi may iniisip."
"Eeeh kahit na Vhong," maktol nya. "Ni hindi man lang nya ako binati. Anniversary kaya namin ngayon. Anniversary namin. Kinalimutan nya ata eh. Hmmp."
"Ah, anniversary. Kaya naman pala nakasimangot ka diyan. Eto naman, baka busy lang sa mga anak niyo. Patampo tampo kapa diyan." tugon nito. Inirapan lamang sya ni Vice kaya naman binalik nya ang tingin nya sa telepono at pagkuwan ay inaya na si Vice.
"Tara na brad, sabay ka na samin. Ako na maghahatid sayo." anito tsaka makahulugang sambit nito.
"Ihahatid mo ko? Weeeh?"
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...