10

1K 38 16
                                    


"Ano nga ulit yong pag-uusapan natin Babe?" Tanong ni Ion matapos nitong punasan ang gilid ng kaniyang labi.

"Ha?" Hatdog ma. Char.

"Yung pag-uusapan natin."

"Ahh." Ilang segundo itong natigil.

"May problema ba babe?"

Lumunok pa ito ng bahagya.

"Pano ba? Baka magalit na naman siya?"

"Babe?"

"M-mag--."

"Mag?"

"M-magbakasyon tayo sa inyo!" Sambit nya. "Namimiss ko na sila nanay Zeny eh." Kagat labi nyang dagdag.

"Okay lang naman sakin babe, pero puro na tayo absent. Hindi kaya mapagalitan na tayo niyan?" Tugon naman ng mister.

"Sabi ko nga."

"Pero kung gusto mo, pwede naman kapag magtataped lang tayo ng episodes ng show. Ayon magkakaoras tayo, pwede tayong umuwi ng Tarlac." Paliwanag ni Ion.

Tumango naman ang bakla.

"Oo sige. Maganda yon."

"Tapos ipapakita ko sayo, yung bahay natin ron." Nakangiting sambit ni Ion saka muling sumubo sa pagkain nya.

Napatingin naman ang bakla sa asawa ng sabihing nya iyon. Kitang kita nya and kislap ng mata nito ng sinabi nyang 'bahay natin'.

Ang tahanan kung san nila balak bumuo ng pamilya.

'Nakakatakot, pero kung sa ganoong paraan naman kita lubos na mapapasaya dibale ng bangungutin ako.'

----

ION

"Noi, malinis na malinis yan sinigurado ko na." Bulong ni nanay sakin matapos nya kaming ihatid sa kwarto ni babe.

"Salamat nay." Sagot ko naman.

After naming magpaalam ni Babe Kay direk, limang araw na ang nakakalipas ay agad kong sinabihan sina nanay na uuwi kami ni Babe dito at tuwang tuwa naman sila.

Mahal na mahal din nila si Babe talaga.

Pero ako ang pinaka nagmamahal sa kaniya syempre.

"Nay salamat po ha? Mukhang inasikaso nyo po magdamag tong kwarto." Ani Babe ng makapasok kami sa kwarto.

"Wala yon anak, ano ka ba. Masayang masaya nga kami na naisipan nyong magbakasyon dito, lalong lalo na yung mga apo ko. Diba noi?"

Nakangiti naman akong tumango.

"Sige na anak. Magpahinga muna kayo diyan, at tatawagin na lang namin kayo kapag kakain na tayo ha? Noi ikaw na muna bahala dyan sa misis mo ha."

Pagkatapos non ay isinara ko na ang pinto ng kwarto namin.

"Babe magpalit ka muna kayang damit?" Sambit ko ng mapansing abala sya sa pagsuri ng kwarto naming napakasimple lang. Pero may mga litrato kaming dalawa na nakadisplay na.

"Baka bosohan mo ko."

"Nakita ko na lahat yan, ngayon kapa nahiya babe." Nakangisi kong tugon sa kaniya at nakita ko namang namula sya ng bahagya.

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon