General
"Oh my God Babe." manghang sabi ni Vice ng matanggal ang piring nya. "This is so.. I- I dont know what to say."
"Maganda Babe? Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ni Ion.
He's been worrying the whole day kasi baka hindi nito magustuhan ang inihanda niyang simpleng dinner date nila.
"Sobra Babe." she smiled at him then again look around.
"Upo ka muna dito." ipinanghila sya nito ng upuan.
"Wow. Thank you Babe. Swear this is so sweet."
"Medyo nakulangan nga sa time eh. Nagpatulong ako kina Buern."
"kaya pala nag-insist kang magsuot ako nito. Binilhan mo pa ako ng dress." Aniya pa at pinasadahan ang simpleng neon green niyang dress. " Ikaw ah, sinusurprise mo ko. Nadedevelop kana sakin no?"
Kunwaring napaisip si Ion. "Feeling ko nga, mahal na kita." Pagsakay nito sa trip ng asawa niya.
Natawa naman sila pareho.
"Linyahan mo dati!" Sabay nilang sabi at natawa pa ng maalala kung paano sila nagsimulang magbatuhan ng linya noon nang hindi pinapaalam sa madla ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
"Eh kasi ikaw eh." Natatawang sabi ni Ion.
Natawa naman ang bakla at napangiti nang maramdaman ang simoy ng hangin na tumatama sa kanila pati na din ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan malapit sa kinaroroonan nila.
"Wow ang presko naman ng hangin. Sarap- sarap langhapin." Anito at nakangiting tinignan lamang ang disenyo ng paligid.
Habang abala ang bakla sa pagsuri ng paligid ay hinayaan lamang ni Ion ang sarili na titigan ang mukha nitong punong puno ng saya, mukhang may ngiting umaabot sa mata, at hindi mapapantayan ng kahit ano pa man sa mundo.
Tinitigan lamang nya ito na animoy pinakamagandang nilalang ng Diyos na nakita nya.
"Hoy! Titig na titig ah? Gandang ganda ka sakin aminin mo." Ani Vice ng makitang nakatitig ito sa kanya.
"Tingin mo?" tanong ni Ion.
"Tingin ko hinuhubaran mo na ako sa tingin." sagot nito ng nakakaloko at inipit sa tainga ang ilang hibla ng wig nya.
"Grabe ka naman don sa hinuhubaran babe." natatawang sambit ng huli. "Nagpapaalam naman ako pag ano---" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng putulin ng bakla.
"Sssssshhhhhhh...Kung san san na umabot." aniya at pinamulahan pa ng pisngi.
"Ang ganda ganda mo lalo pag nagba-blas ka." puna ni Ion ng makita ang pamumula ng pisngi nya.
"Tseee." tanging tugon nya. Umirap na lamang sya upang pigilan ang kilig.
Kunwari pa yan, pero mukhang nakaihi na nga sa salawal nya. Ay! wala pala siyang salawal.
"Uy kumain na nga tayo, nagugutom na ako eh." sambit ni Vice matapos ang ilang segundo ng katahimikan.
Masaya lamang silang kumakain habang pinaguusapan ang kung ano ano lang na mga bagay.
Payapang nagtatawanan, naguusap at nagngingitian sa simoy at malamig na hampas ng karagatan.
"Masarap diba?" tukoy ni Vice sa special grilled pork na kinakain nila.
"Mas masarap k----"
putol niya at tinawanan pa sya ng asawa.
"Ha?" painosenteng tanong niya. "Mas masarap itong beef steak sabi ko."
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...