"Naka-hinto po kami sa sasakyan kanina." Kwento ng driver. "Tapos nagulat nalang po kami kasi, may mga sunod-sunod na putok ng baril. Akala nga po namin nakaiwas kami, di po namin namalayang natamaan pala 'yong bata. Sa tantiya ko po, parang malapit sa tabi nong bagong department store nanggaling 'yung bumaril. "
"Tingin naman po namin, hindi po 'yon para samin. Meron ho kasing mga naka-motorsiklo, sa katabi namin kanina. Sa palagay po namin, sila po talaga ang dapat tinambangan ng mga 'yon."
Mahigit kalahating oras na silang naghihintay sa labas ng operating room, at kani-kanina lang ay nagsidatingan ang mga kapatid ni Vice na sina Babot, Tina, at pati na din ang ilan sa mga kaibigan nya.
Samantalang si Ion naman, kasama ang driver nila ay ang nakikipagusap sa mga pulis.
"Babalitaan nalang po namin kayo 'sir. Sige po, tutuloy na po kami." pagpapaalam nito.
Tumango siya at nagpasalamat dito at binigyan ng tapik sa balikat ang driver.
"May nakakaalam na ba 'don sa inyo tungkol sa nangyari?" tanong ng Ate Tina kay Ion.
Tumango sya.
"Nagtext po ako kay ate Nat. Pinakiusapan ko na din po na sya nalang magsabi kay nanay." kwento nya.
Napatango naman ito at napabuntong hininga.
"Ano bang nangyari? Bakit kayo nasa labas ng bahay?" tanong nito at tinapik ang espasyo sa tabi nya upang maupo doon si Ion.
Matamlay man ngunit pinili na lang nito na magkwento kahit pa habang tumatagal ay lalong lumalaki ang paninisi nya sa 'sarili.
"Ate, balak 'ko lang naman hong surpresahin sana si Vice." kwento nya ng hindi ito tinitignan. Pinaglalaruan nya lamang ang mga daliri habang unti unting namumuo na naman ang mga luha sa mata.
"Nakita ko ho kasi kung gaano sya ka-excited para matapos 'yong last taping nya. Sinama ko po sina Ariel at-at s-si Bien, kasi alam kong matutuwa sya. Matutuwa sya pag nalaman nyang mag-roroadtrip kami kasama 'nong mga bata. Nadinig ko din kasi 'yon na sinasabi nya 'nong nag-uusap sila nina Buern. Ta-tapos pupuntahan namin sina nanay Rosario." tuluyan na syang naiyak. "Gusto ko lang sanang mag-enjoy yung mga bata, at siya. P-pero ate, hindi ko naman po inakalang may mangyayaring ganito."
"Naiintindihan kita Noi." alo nito sa kanya.
"Hindi ko alam ate, na may ganitong mangyayari. Hindi ko p-po alam n-na, na madadamay si Bien. Si Bien. D-dapat ako 'na lang 'yon. Dapat ako 'yon." umiiyak nitong turan. Hinagod naman ng babae ang likod nya.
BINABASA MO ANG
After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETED
Fanfiction"Pinagdaanaan na natin lahat. Iyong masakit, malungkot, masaya, nakakapagod, nakakatakot. Minsan naisip na din nating tumakbo palayo sa isat isa pero yong puso natin alam na alam kung san siya babalik. Alam na alam nya kung san siya uuwi at magpapah...