5

1K 36 35
                                    


GENERAL

Kinagabihan ay gumawa sila ng bonfire malapit sa dalampasigan.
(a/n: Alangang sa loob ng kwarto diba? Edi nasunog?) Perfect para sa pinaplano nilang kaunting inuman sa ilalim ng buwan at sa harap ng mahinahong pagkaway ng mga alon sa dagat.

"Gago ka!" Bulyaw ni Orli kay Manny matapos nitong kinwento ang kamalasan nito kanina.

"Napakapalpak mo talaga Orli."sagot ni Manny. "Pano ba naman, manlalandi nalang ng porener, pumalpak pa. Di kana nga maganda, bokya ka pa."

Kapwa namang natawa ang mga bakla lalo na ng binigyan ni Orli ng malakas na batok si Manny.

"Huwaw hiya ako ah. Ang ganda mo." Sumbat nito sa katabi.

"Lakas non ah. Batok talaga?"

"Alangang sabunutan kita eh kalbo ka?" Tahasang sambit nito.

"Atleast may jowa." Mayabang na sabi nya.

"Tang*ina ka." Asar na sambit nito at inirapan na lang ang huli saka uminom sa alak niya.

Habang ang iba naman na sina Buern, Kitty, Jan, Erna etc. Ay nagtatawanan lang rin.

"Sino ba kasi yon Orli Ha?"singit ni Glorious.

"Yung porener nga."sambit ni Erna. "May mga kasama pa yon eh, marami- rami sila."

"Ah porener?"ngumunguyang sambit naman ni Donna."Baka kasama din nong porener na nakausap mo me. Yung nakaakba---- aaaayyy!" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng sikuhin sya ni Archie.

Pinanlakihan sya nito ng mata at binigyan ng 'manahimik ka nalang at baka pagsimulan na naman ng away nilang dalawa' look.

Nagpeace sign naman sya rito at pasimpleng sumulyap sa dalawa.

Si Vice na nakangiting nakatingin sa asawa habang ang baba ay nakapatong sa balikat nito at nakasandal sa katawan niya. Ang lalaki naman ay nakaakap sa bewang nito at nakangiti rin sa kung ano man ang kanilang pinagbubulungan at pinaguusapan.

"Hindi naman nakikinig eh." Ani Donna ng mapansing may sarili namang mundo ang dalawa.

"Picturan mo na lang,"bulong naman ni Jan sa katapat niyang si Manny. "Ang ganda ng view oh. Tsaka walang time magsocial media mga yan, kaya tayo na lang mag-update sa mga fans nila."

"Gandahan mo 'yong shots ha. Yung nakikita yung bonfire para mag----"

"Alam ko, wag kang magulo!" Pasigaw na bulong nito kay Donna."Bwiset ka."

After Sorrow (NMTNMF Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon