Chapter 1

54 6 0
                                    

"Aalis ka na talaga?" tanong ni Chase, ang kaibigan at dormmate ko rin ng tatlong taon.

Tumango ako habang patuloy na ipinapasok lahat ng damit at gamit ko sa bag. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi nang pinagkaka-busyhan ko kahit alas-nuewebe pa lang ng umaga.

"Kaya ka ba pumayag ay dahil may babae ro'n, pre?" pagdududa niya.

Wala akong reaksyon nang ibato sa kanya ang damit ko. Humagalpak siya ng tawa, nantitrip na naman.

"H'wag mo nga 'kong itulad sa 'yo, gago. Umalis ka d'yan, ginugulo mo ang mga gamit ko. Nagmamadali na nga ako. Tsk."

Tumayo siya pero hindi pa rin umaalis. Pinagpapawisan na ako sa pang-aasar niya. Kailangan ko pang maging presentable mamaya sa pagharap ko kay Sir Fabellar.

"Sabihan mo 'ko kapag maganda, ha. Gamer pa naman. Baka pwede naming makalaro nina Jeth."

Napailing na lang ako. Binasa niya siguro ang papeles na ibinigay sa 'kin ng sponsor ko tungkol sa anak niyang kasama sa kontrata namin. Hindi ko naman binasa 'yon kahit kailangan ko. Bahala na mamaya.

Z-in-ipper ko ang malaki kong bag at ibinaba 'yon sa lapag. Kinuha ko ang damit ko sa kama at isinuot 'yon. Nagpunas ako ng pawis ko pagkatapos.

"Baka naman 'pag nakita mo na 'yong babae, hindi mo na pakawalan? Patay ka sa tatay no'n."

Inaruhan ko siya ng kamao ko. Kinuha ko ang sapatos na nasa tabi ko lang at isinuot 'yon.

"Inom tayo mamayang gabi. Kina Jethro ulit, ano?"

Tumango ulit ako.

"Pre," tawag ulit niya.

Tumingin ako sa kanya. "Ano?"

"H'wag mo kong kakalimutan, ha," naka-ngisi niyang pang-aasar.

Ibinato ko sa kanya ang sapatos ko. Ibinato rin niya ulit pabalik habang tumatawa.

"Seryoso ako. Baka mamaya niyan 'di ka na single. H'wag mong kalilimutan ang motto mo in life, study first before girls."

Tinitigan ko si Chase. Study first before girls, kilala nila ako sa linyang 'yon. Hindi naman masamang unahin ang pag-aaral. Mahalaga 'yon sa akin dahil hindi ako galing sa marangyang pamilya. Pinanganak ako sa Occidental Mindoro at dito nag-college sa Manila para sa mas malaking oportunidad once maka-graduate. Tungkulin kong makahanap ng maganda trabaho at tumulong kina mama at papa.

Bumuntong-hininga ako. Tumawa naman ang kaibigan ko. Gan'to kami sa loob ng tatlong taon. Nagsasawa na rin ako sa araw-araw na pang-aasar niya. Hindi naman ako asar-talo pero iba ngayong araw. Kinakabahan ako. Tumayo ako at isinabit sa balikat ko ang bag.

"Tumigil ka na. Pumayag lang naman ako dahil do'n sa scholarship at libre pa na titira ako sa kanila. Kapag nalaman 'to ng tatay ko, madi-disappoint sa akin 'yon. Napakinggan mo naman ang pag-uusap namin nina Mama. Ayaw na ayaw niyang balewalain ko ang hirap nila kay Don Graciano."

Sa totoo lang nagsisisi ako sa tuwing naalala ko ang pag-uusap namin ng magulang ko noong isang linggo. Lalo na kay Papa. Ayaw kong magsinungaling sa kanya pero kailangan ko 'to para makatulong. Ayaw ko na siyang maghirap sa bukid para lang sa 'min.

Tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Iniangat ko 'yon bago nagsuot ng sumbrero.

"Swerte mo pa rin. Gusto ko nang umalis dito sa dorm. Si Manang Lela na lang ang babaeng nakikita ko. I'm losing my mind here, pre."

"Maraming babae sa univ. Maghanap ka ro'n. At saka ba't 'di mo pa pormahan ang anak ni Manang Lela? Ganda na no'n, a."

"Hindi kami talo," singhal niya.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon