"Grant! What the hell did you do to my face?! Oh, gosh, the taste!" napakinggan kong sigaw ni Sumairu sa tainga ko.
Napamulat ako agad para makita kung ano nga bang nagawa ko sa mukha niya. Galit na galit ang itsura niya habang nakapamaywang sa harap ko. Kinusot ko ang mata ko at umupo sa kama. Humikab din ako.
"How fortunate of you to have a peaceful sleep after what you've done to my face," singhal pa niya.
Napalunok ako nang makita nga ang ginawa ko. May kaunting butol-butol sa mukha niya. Ginawa ko ba 'yan sa kanya? Pinahidan ko lang naman no'ng...feminine wash ba 'yon? 'Di ko naman binasa kagabi basta liquid.
"Oh my gosh! You did this!" nanggigigil niyang sigaw.
"Ano bang ginawa ko?"
Umiwas ako nang aambahan niya ako ng suntok sa mukha. Tumayo na ako para makaiwas sa kanya.
"You put the feminine wash on my face," kalmado niyang pagsagot.
Nagsalubong ang kilay ko. Paanong feminine wash, hindi ba tama naman?
"Hindi ba inilalagay sa mukha 'yon? Feminine wash nga, e."
Napasapo siya sa mukha. Namumula na 'yon sa galit. Hindi ko naman maintindihan kung anong pinuputok ng butsi niya.
"Sorry na. Hindi ko na uulitin," paghingi ko ng pasensya.
Gusto ko lang namang tanggalin ang make-up niya pero mukhang napasama pa yata.
Tinalikuran niya ako at hindi na kinausap pa. Nagpunta siya sa lamesa niya at naging abala na naman sa paglalaro. Wala siguro siyang gagawin ngayong Sabado at Linggo.
Nag-inat ako at lumabas sa balkonahe. Bumalik din ako sa kwarto. Nadatnan ko si Sumairu na may hinahalungkat sa kwarto niyang puro damit. Nangunot ang noo ko habang pinapanood ang pagpapanik niya.
"Anong meron?" tanong ko.
Binalingan niya ako. Nagpatuloy rin siya sa ginagawa, hindi pinansin ang tanong ko. Lumabas na lang ako ng kwarto at kumain ng umagahan.
"Kumain na po ba si Sumairu?" tanong ko sa kasambahay na dumaan sa hapag-kainan.
"Ay, hindi pa po, Sir."
Tumango ako. "Pakihandaan po siya ng umagahan. Dadalhan ko siya sa kwarto niya."
Pagkatapos kong kumain ay hinintay ko ang tray para kay Sumairu. Maglalakad na sana ako pataas nang makita ang pagbaba niya sa hagdanan.
"I'm going to the convenience store," paalam niya.
Hindi niya ako tiningnan at nagderetso palabas. Ibinaba ko ang tray sa lamesa at hinabol siya hanggang sa pinto.
"Ako na ang bibili. Ano bang bibilhin mo?"
Hinarap niya ako. Malamig na naman ang mata niya na parang tutunawin ako. Nakikita ko nga ang mga butol-butol sa mukha niya na dahilan nang paglagay ko ng feminine wash sa mukha niya.
Tinarayan niya ako. "I can handle it," tipid niyang tugon.
Sinundan ko siya palabas ng bahay. Nakabuntot lang ako sa kanya. Nasa bulsa ang kamay ko at nakatingin sa unahan.
"Why are you following me? I can buy my own sanitary pads."
Natigil ako bigla. "Ahh...as in, napkin?"
Tumango siya. Sumunod pa rin ako.
"Bakit ka nasa club na 'yon kagabi? Akala ko ba may gagawin kayong magkakaibigan?"
"We did do group works. We decided to have fun after that."
"Nang walang kasama man lang na lalaki? Paano kung mapahamak kayo? Do'n pa kayo nagpunta sa delikadong lugar...." pangaral ko.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...