Chapter 9

27 4 2
                                    

Dumating ang lunes. Magkasama kaming pumasok ulit ni Sumairu sa eskwelahan. Pero hindi ko siya inihatid katulad no'n. Kailangan kong maglagay ng limitasyon sa 'ming dalawa. Ayaw kong pagsisihan sa dulo ang mga magiging desisyon ko. Kung pag-aaral muna ang uunahain ko, yo'n muna.

"Grant, tawag ka ni Ms. Ojo sa faculty," anunsyo sa 'kin ng kaklase ko sa Writing for Children at Young Adult.

"Salamat!" Sumaludo ako sa kanya bago lumabas ng classroom.

Naglakad ako sa corridor patungo sa labas ng building. Lumipat ako sa kabilang building kung saan nando'n ang faculty. Pagdaan ko sa pintuan ay nakasalubong ko si Sumairu.

Nangunot ang noo ko habang nakikita ang pangingilid ng luha niya. Hinila ko siya sa gilid at pinaharap sa 'kin.

"Anong nangyari?"

Umiling lang siya. Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Iiyak ka ba?"

Umiling ulit siya. Bumuntong-hininga ako.

"Kailangan kong pumasok sa faculty. Pwede mo ba akong hintayin dito?" pakiusap ko sa kanya.

Tumango siya. Sinuklay ko ang buhok ko. Umalis ako sa harap niya at pumasok sa kwarto ng mga faculty.

Nag-log ako bago pumunta sa lamesa ni Ms. Ojo. Hinihingal akong tumigil sa harap ni Ms. Tiningnan niya ako.

"Are you busy this past few days, Mr. Asuncion?"

Umiling ako, naguguluhan. Hindi naman nga ako busy. Maluwag pa nga ang oras ko ngayong buwan kahit malapit na ang finals.

"If so why haven't I received yet your chapters twenty to thirty, Grant? That's so new to me. Lumagpas na sa deadline ay wala ka pa ring naipapasa?" mahaba niyang sambit.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Ms, ngayong month na po ba ang pasahan no'n? Akala ko po ay sa first-week pa po ng March?"

Umiling ang propesor ko. "I announced it on our group page this weekend. You haven't seen that one? I changed the deadline because I have to pass your grades immediately before the end of the finals week. If you haven't seen that, you better do now. I can't believe you're clueless right now, Mr. Asuncion. You are one of my bestest students in this college."

Bumuntong-hininga ako. "Sorry po, Ms. Magpapasa po ako ngayong week na 'to, kung pwede po."

Tumango si Ms. "Okay. I will expect that this week. No more extension. I will let this slide because this is your first mistake in the whole second semester. You may go now."

Tipid akong ngumiti kahit na pinanghihinaan ako ng loob. Badtrip, pa'nong hindi ko alam ang tungkol do'n? Nasa'n ba ang utak ko? Nasagot ang tanong ko paglabas ng kwarto.

Natigil ako sa kinatatayuan ko nang matuklasan ang pagbuhat ng isang nurse kay Sumairu.

"Sir!" sigaw ko.

Hinabol ko sila. Anong nangyari kay Sumairu? Sinundan ko ang nurse na pumasok sa infirmary. Dinala si Sumairu sa loob. Hindi naman ako pwedeng pumasok dahil guardian o magulang lang ang pwedeng bumisita sa estudyante habang hindi pa natatapos ang klase ngayong araw.

Bumuntong-hininga ako. Pinanood ko sa labas ng pinto ang pagbaba ng nurse kay Sumairu. Nahimatay ba siya? Bakit hindi naman siya namumutla kanina? Paiyak na siya kanina. Ano bang nangyari sa kanya?

Pumunta ako sa college ng business at naghanap ng kaklase ni Sumairu. Buti na lamang ay may nakita akong magkakaibigan na noon ay nakita kong kausap ni Sumairu. Mabilis ko silang nilapitan. Nagtinginan silang apat sa 'kin.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon