Chapter 11

20 4 1
                                    

"Ma, pwede ko po bang makausap si Papa?" sambit ko sa kabilang linya.

"Anak, wala ang ama mo. May talok sa hacienda. Kumusta ka riyan?"

Bumuntong-hininga ako. Kanina ko pang iniipon ang lakas ng loob na tumawag sa kanila tapos wala rin pa lang mangyayari.

"Ayos lang ako, Ma. Kayo po? Si Prinsesa?"

Nabaling ang tingin ko nang bumukas ang pinto ng kwarto. Sumenyas ako kay Sumairu na hintayin ako. Pinanood ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya nang umiwas ng tingin sa 'kin. Badtrip, hubad pala ako. Tumayo ako at kumuha ng damit sa cabinet.

"Maayos lang si Prinsesa. Malapit na ang kaarawan niya. Kung libre ka sa isang linggo ay umuwi ka rine. Gustong-gusto ka na niyang makita."

Lumambot ang ekspresyon ko nang mapakinggan 'yon. Magdo-dose na si Prinsesa, ang bunso kong kapatid. May kapansanan siya kaya hindi magawang makapagtrabaho ni Mama ng buong maghapon sa hacienda nina Don Graciano. 'Yon din naman ang gusto ni Papa, siya na lang daw ang kakayod.

"Opo. Susubukan ko. Ano raw ang gusto niya?"

"H'wag ka ng mag-abala sa regalo. Ang mahalaga ay sama-sama tayo sa kaarawan niya."

Tumango na lang ako. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Alam kong gano'n din si Papa. Kaya niya isinakripisyo ang karangyaan kapalit namin. Malabo lang sa 'kin ay kung bakit ginawa niya 'yon bukod sa dahilang mahal niya kami.

"Kunin mo sa bangko ang d-in-eposit ng iyong ama. Baka malaman niyang hindi mo ginagastos na dapat ay sa tuition mo."

"Opo."

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ako kay Mama. Kakausapin ko si Papa pag-uwi ko sa Mindoro. Kailangan kong malaman ang rason niya.

Ibinaba ko ang cellphone sa lamesang nasa tabi ng kama ko. Humarap ako kay Sumairu na tahimik na nakaupo. Nagpamaywang ako.

"Bakit ka nandito? Wala kang gagawin dito," simula ko.

Ibinaba niya ang kamay sa tabi niya, senyas siguro na pinauupo niya ako. Kinagat ko ang labi ko at tumabi sa kanya.

"I'm sorry for hiding this from you. You deserve to know, but we delayed the truth."

Bumuga ako ng hangin. "Tama ba akong plinano na ng ama mo na ako talaga ang bibigyan niya ng scholarship? Dahil sa ama ko?"

Dahan-dahan siyang tumango. Ramdam ko ang init sa leeg ko.

"Ginamit n'yo ako," maikli kong konklusyon.

Suminghap si Sumairu. Nangilid ang luha sa mata niya.

"Akala ko karapat dapat ako sa posisyong 'to. Nagsinungaling ako sa Papa ko dahil ayaw ko nang mahirapan pa siya sa pagtatrabaho para matustusan ang pag-aaral ko. Tapos malalaman ko sa inyo na may kapalit pala 'tong ginagawa ko para sa 'yo. Badtrip, ang clueless ko sa part na 'yon."

Hinawakan ni Sumairu ang kamay ko. Bumigat lalo ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na ang pananatili ko rito sa bahay nila, lahat may kapalit 'yon. Parang nagkaroon din ako ng utang na loob sa kanila sa tayo kong 'to.

"I'm so sorry, Grant. I'm always with you, but I didn't tell the truth that we need you. I just recently knew my father's plans. We need you desperately!"

Bumuntong-hininga ulit ako. "Sana hindi na ako umasa. Sino lang ba ako? Manunulat lang naman ako."

Ramdam ko ang pagpisil ni Sumairu sa kamay ko. Napayuko na lang ako. Wala akong pakialam kung nagdadrama ako ngayon, gusto ko lang ilabas sa kanya ang saloobin ko.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon