Kinabukasan, pinayagan ako ni Papa na kumustahin sina Sir Fabellar. Bumili rin ako ng isang basket ng prutas para sa kanila.
Sinuklay ko ang buhok ko at lakas-loob na kumatok sa pinto. Nagbukas din agad 'yon. Nag-text ako kay Sumairu na bibisita ako ngayon. Hindi naman ako nagkamali nang siya ang magbukas ng pinto. Ngumiti ako sa kanya nang makita ang mukha niya.
"Come in."
Ibinigay ko sa kanya ang basket. Tinanggap niya 'yon.
"Good morning po, Sir," bati ko sa ama ni Sumairu.
Inilahad niya ang upuan sa tabi niya. Pinanood ko saglit si Sumairu bago tuluyang humarap kay Sir Fabellar.
"Kumusta ho kayo?"
Humalakhak siya. "I'm stronger than what you think I am, hijo. And do me a favor, it's Tito Kevin."
Tipid akong ngumiti saka humawak sa batok ko. Pa'no kung malaman niyang may gusto ako sa anak niya? Baka hindi na niya ako hayaang tawagin siyang Tito.
"Thank you for looking out for my daughter. Has she been a dead weight?" may halong pagtawang dagdag ni Sir Fabellar.
"Ah..." Tumingin ako kay Sumairu at bumalik ang tingin sa kausap. "Hindi po siya pabigat. Madali nga pong alagaan, e."
Tumawa si Sir Fabellar. Tinapik niya ang balikat ko.
"Next time, I'll let you take care of her again. I'm entrusting my daughter to you in the future, Grant."
Sumeryoso ako. "'Yon po ang ipinunta ko rito."
Tumikhim si Sir Fabellar at tumingin kaming dalawa sa anak niya.
"Sumairu, please give us a minute to talk," seryoso ring tugon ni Sir Fabellar.
Pumayag naman si Sumairu. Pinanood ko ang paglabas niya sa kwarto. Bumuntong-hininga ako.
"H'wag n'yo ho sanang masamain ang sasabihin ko pero ayaw ho ni Papa na tulungan ulit ko ho kayo pagkatapos ng nangyari."
"I understand, Grant. I involved your father in this chaos and now he's injured as well. I wanted you to thank him for me. I'm thankful for all the help he has given me and your help, especially with my daughter."
Bumuntong-hininga ako. "Ang totoo po, ayaw ko rin pong umalis. Malaki rin ang tulong na ibinigay n'yo sa 'kin at nagpapasalamat po ako sa inyo. Tinanggap n'yo ako sa bahay n'yo kahit hindi n'yo ako kakilala."
"I like you for Sumairu. I'm comfortable with you looking out for her."
Hindi ko alam kung paano ilalabas ang emosyon sa mukha ko. Gusto ako ni Sir Fabellar para sa anak niya? Napalunok ako.
"Ever since we had our losses, I was afraid that something or someone would harm her and take her away from me. I didn't make a mistake when I let you. You never failed to do the things I asked of you. Thank you for that, Grant. I hope to see you again soon even just for my Sumairu."
Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay bumigat pa lalo ang nararamdaman ko.
"Maraming salamat po sa pagtitiwala n'yo sa 'kin kay Sumairu. Naging espesyal na rin po ang turing ko sa kanya."
"I hope this would not be the last I will see you, hijo. At least, for Sumairu. I'm serious when I told you I like you for her. In the slightest time I've known you, I treated you as my son as well. I wanted you to be my son-in-law in the future if that's too much to ask."
Napakamot ako sa ulo ko. Tanggap na agad ako ng tatay ni Sumairu.
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, maaari ko po bang ligawan si Sumairu pagbalik ko rito sa Maynila?"
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Roman d'amour'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...