Gusto kong mag-back out. Halo-halo ang nararamdaman ko. Kakayanin ko ba?
Pinaandar ko ang sasakyan nang makitang umalis na si Sumairu sakay ng kotse niya. Sinundan ko siya hanggang sa bar ni Jeth. Magkatabi rin kaming nag-park ng kotse sa lote. Sabay ring lumabas sa sasakyan.
Nagtama ang mata naming dalawa. Lumapit ako sa kanya at hinintay siyang maglakad papasok ng bar. Ewan ko kung nandito si Jeth. H'wag niya sana akong makita. Paniguradong kakantyawan niya ako dahil sa karupokan ko. Badtrip, hanggang ngayon alipin pa rin ako.
Tahimik sa tabi ko si Sumairu nang maghanap kami nang mauupuan. Pinauna ko siya para hindi siya mabunggo ng mga tao sa loob. Mas malakas pa ang tibok ng puso ko kaysa sa tugtog ng DJ. At mas lalong lumakas ang tambol no'n nang makahanap kami ng isang bakanteng sofa sa taas. Sofa pa, ha. Badtrip.
Magkatabi kaming naupo ro'n. Sinulyapan ko siya. Tumikhim muna ako.
"Anong gusto mong inumin?" tanong ko.
Bumaling siya sa 'kin. Nakalalasing ang itim na mata niya. Mas malalasing yata ako sa nararamdaman ko ngayon kaysa sa alak.
"I'll have a glass of vodka, thanks."
Nagpasalamat pa siya. Napamura ako sa gusto niyang inumin.
"Sure ka na?"
Kaswal lang siyang tumango. "I'll have vodka tonight."
Napailing ako. Hindi na ako nakipagsagutan sa kanya.
"Vodka at beer lang," order ko sa bar counter.
Bumalik ako sa sofa namin ni Sumairu. Inilahad ko sa kanya 'yon pagkaupo ko. Tumabi ulit ako sa kanya. Tiningnan niya ang iniinom ko.
"Why just beer?" simpleng tanong niya.
Sumandal ako sa sofa. "Para may maghahatid pa sa 'yo mamaya kung sakaling malasing ka na."
Nakita ko ang multong ngiti niya. Napangiti na rin ako.
"Enjoy then."
Tumango-tango ako sa tugtog mula sa baba. Nandoon halos lahat ng tao na gustong mas magsaya. Mukhang pag-iinom lang naman ang ipinunta rito ni Sumairu.
Lumapit ako sa kanya na wala sa 'kin ang tingin. Nagulat siya nang bumaling sa 'kin. Tinitigan ko siya.
"Are you here often?" ingles kong tanong.
Mahina yata ang pagkakatanong ko kaya itinuro niya ang tainga. Binasa ko ang labi ko at lumapit sa tainga niya.
"Lagi ka bang nag-iinom dito?"
Umiling siya. Itinapat niya ang labi sa tainga ko.
"It's my first time!" sigaw niya.
Dumoble ang bilis ng tambol ng puso ko. Kinagat ko ang labi ko. Anong ibig sabihin niya ro'n?
"Ba't ngayon lang?" tanong ko ulit.
Lumapit na siya lalo ngayon. Napamura ako.
"I waited for you to come back! You told me not to drink anymore, right?!"
Para akong nabingi sa isinagot niya. Hinintay niya ako bago siya nag-inom? Ibig sabihin wala siyang ibang kasama sa pagpunta rito dahil ito nga ang unang beses na pumunta siya sa bar? Napalunok ako habang pinapanood ang kislap sa mga mata ni Sumairu.
Itinukod ko ang siko ko sa likod ng ulo niya at iniharap siya gamit ng kamay ko. Napasinghap siya sa ginawa ko.
"Ito ang unang beses mo rito? E, sa ibang bar? Sinong mga kasama mo?"
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...