5 years later
Dadating. Mananatili. Aalis. Babalik. Kung may hangarin ako bilang manunulat, 'yon ang isulat ang pinaka-malungkot na istorya na hindi pa nababasa ng kahit na sino pero pagdating sa buhay ko, kabaligtaran nito ang gusto ko.
"I will rephrase the answer I told you way back. What's the biggest thing that has happened in my life? It's not you. Being alone. That's exactly how I will define my life. Alone. So grant me a wish...break your promise and leave me alone." 'Yon ang huling linya na napakinggan ko mula sa kanya.
Nagkatotoo nga kung ga'no ko gustong paiyakin ang mga mambabasa ko, gano'n din ang ginawa ko sa pinakamamahal ko. Hindi ko lang siya pinaiyak, iniwan ko rin siya. 'Yon ang una at huling wakas ng pangakong kailanman ay hindi ko inaakalang wawakasan ko. Ang protektahan siya mula sa mga luha niya.
"This will be your biggest break, Grant! Writer ka ng isa sa pinaka-aabangang mga pelikula ng mga Pilipino! Makatatrabaho mo pa ang pinakamamahal mong kaibigan na si Cedrick Avelino! Ready ka na ba?" sambit ni Jeth, ang businessman sa apat na kaibigan ko.
"Basta gagalingan niya. I will back out if he didn't. Babalik na lang ulit ako rito sa Canada. At kalimutan na rin niya kamong hawak niya 'yong award na pinapangarap niya."
Hindi ko gustong sagutin ang tawag niya. Malapit nang lumipad 'tong eroplano. Mahirap pa lalo na at bumabalik ang alaala ko sa iniwan ko noon. Ang dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas para mag-aral sa Canada. Halos hindi ko na mapakinggan ang boses ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Simula nang pumasok ako rito sa eroplano ay kinakabahan na ako. Parang may mangyayari na hindi ko na naman inaasahan katulad nang nangyari limang taon na ang nakararaan.
Kailan ko ba siya makalilimutan? Kapag nakita ko nang nakangiti na siya ulit at hindi na umiiyak? O kapag ipinamukha na niya sa 'kin na ako mismo ang nagwakas ng ipinangako ko sa kanya?
Who am I kidding? I will never be ready to see her again. I will never be ready to meet the only woman who was in every plot I have in mind. To the only woman whom my stories were dedicated to. Sumairu.
"Isang linggo ka lang namang nawala pero nami-miss na kita, bro. Laging busy 'yong kambal kaya wala akong kasama sa bar. Si Lion, sa gf niya. Si Leon, sa hotel niya. H'wag mo akong umpisahan kay Ced. Kung nandito ka lang sana."
Napailing ako sa pagda-drama niya. Nagsalita na ang nasa harap kaya nagpaalam na ako.
"Magkikita rin tayo. Ihanda mo na ang mga alak, pare. Sige na."
Humalakhak siya. "I'm ready to see you, bro!"
Tinapos ko ang tawag at binuksan ang email na kararating lamang galing sa assistant ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pangsampung rejection letter ng Fabellar Corporation. It's been years since I decided to make an offer of a partnership with her. Napailing ako at napangisi. Ba't ayaw mong maging partner tayo, Sumairu? I can be a great partner.
Limang taon na akong walang balita sa kanya. Hindi na rin ako nagbalak pa na makibalita kahit minsan ay binabanggit nina Cedrick ang tungkol sa kanya. Wala na rin naman akong magagawa kung ayaw na niyang makita pa ako. Si Sir Fabellar lang ang binabalik-balikan ko sa Pilipinas. Nakakahiya na sa tuwing bibisita ako sa kanya ay hindi ko kasama ang anak niya. Hindi ko nagawang alagaan si Sumairu para sa kanya.
Umaga nang dumating ako sa Pilipinas. Sinundo ako ng assistant ko at inihatid ako sa bahay ko. Sa bahay namin ni Sumairu na ipinamana sa 'min ni Sir Fabellar. Tinanggap ko ang bahay dahil hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga alaala kasama siya. Kahit dito man lang maramdaman kong kasama ko siya noon at hindi panaginip lang.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...