Hindi na nagpahinga ulit si Sumairu pagdating namin sa kwarto at sa halip ay naglaro na lang sa desktop niya. Hinayaan ko siya maglabas ng sama ng loob sa paglalaro. Mukhang sanay na siya na lagi silang nag-aaway ng ama niya.
Nanatili ako sa kwarto ni Sumairu, binabantayan pa rin siya habang tinatapos ko ang kwentong kailangan kong ipasa ngayong linggo.
"What are you doing?"
Bigla akong nag-angat ng tingin kay Sumairu na nasa harap ko na. Naupo siya sa kama na inuupuan ko at kinuha ang makapal na papel sa gilid ko. Hinayaan ko lang siya.
"A children's story?" tanong pa niya.
"'Yan, oo. Tapos ko na 'yan. Iba 'tong sinusulat ko."
Pinanood ko ang pagtingin niya sa mga papel ko.
"Gusto mo bang basahin?"
"Can I?"
Ngumiti ako bago tumango. "Do'n ka sa kama mo. Kailangan ko pang tapusin 'to."
Hindi kasi ako makakapag-concentrate kung malapit siya. Nawala na nga ako sa pokus paglapit pa lang niya kanina. Ikiniling ko ang ulo ko. Badtrip, nawala na nga. Bumuntong-hininga ako. Pinilit kong tapusin ang dalawa pang natitirang kabanata.
Tumingin ako saglit kay Sumairu. "Okay ka na ba?"
Binalingan niya ako. "I'll be okay. It's not the first time I had my allergy."
Hindi ko mapigilan ang pag-aalala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong meron sa kanya. Nasampal pa niya ako dahil lang sa ayaw niya. Bakit hindi niya sa 'kin sabihin? Pagitan ba ng buhay at kamatayan 'yon? O hindi lang talaga niya ako pinagkakatiwalaan?
"This is a different breath of fresh air," ani Sumairu.
Umismid ako. Itinigil ko na ang pag-iisip at pinagpatuloy na lang ang pagsusulat hanggang sa makatapos. Umalis muna ako sa kwarto. Nagpalit ako ng damit bago bumalik sa kwarto ni Sumairu.
Nagulat ako nang nangingilid na ang luha niya at mabilis ang paghinga.
"Help!" sigaw niya.
Mabilis akong lumapit. Pinalis ko ang luha niya. Nangunot ang noo ko nang unti-unting magkaroon na naman ng pula sa pisngi niya.
"Get me my medication! At my cabinet."
Mabilis pa rin ang paghinga niya. Para siyang hindi makahinga at nanghihina. Sinunod ko ang utos niya.
"Right!"
Binuksan ang kanang drawer at kinuha ang unang gamot na nakita ko ro'n. Lumapit ako sa kanya. Kinuha niya agad ang gamot at nilunok nang walang kasamang tubig.
"Shocks!" sigaw pa niya.
Hinihingal pa rin siya.
"Tatawagan ko ba ang ama mo?"
Umiling siya. "I don't need him!"
Nagsalubong ang kilay ko. "Pero..."
Nag-aalala ako. Bumuga ako ng hangin.
"Humiga ka muna."
Pinahiga ko siya sa kama. Kumalma naman siya nang makahiga. Naghintay ako ng ilang segundo bago pa ulit magtanong sa kanya.
"Anong nangyari?"
Nagulat ako nang magmulat siya at hampasin ako sa dibdib. Natigilan ako sa ginawa niya.
"Kasalanan ko?"
Lumayo ako nang kaunti habang hinihintay ang pagsagot niya. Sinuklay ko ang buhok ko. Nakaupo na ako sa lapag. Lumipas yata ang ilang minuto bago siya umupo ulit. Pula na lang ang nasa pisngi niya hindi katulad kanina.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...