Chapter 15

18 3 1
                                    

"Anak, hinihintay ka ni Prinsesa, bakit ngayon mo lang sinabing hindi ka makauuwi?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

Tinawagan ko siya pagkatapos kong makausap si Sir Fabellar. Ang totoo, hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Pamilya ko ba o ang kaligtasan ni Sumairu. Nakakapagsinungaling na rin ako kina Mama dahil dito.

"Promise, Ma. Uuwi rin po ako pero hindi pa sa birthday ni Prinsesa. Si Papa, nasa'n?"

"Nandoon sa hacienda. Sasabihin ko na lang na hindi ka makauuwi. Mag-iingat ka lagi riyan, anak."

Bumuntong-hininga ako. "Opo, Ma. Kayo na po ang bahalang magpaliwanag kay Papa."

Naalala ko ang nalaman ko patungkol kay Papa noon na mayaman siya at negosyante pa. Kailan kaya ako magkakaroon ng pagkakataon para makausap siya.

"Tatawagan ko po ulit kayo sa susunod. I love you, Ma."

Napabaling ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Sumairu na sumilip mula ro'n. Ngumiti siya sa 'kin at saka pumasok.

"I love you too, anak."

Pinatay ko ang tawag at tinawagan naman si Jeth.

"Grant," tawag ni Sumairu.

Humarap ako sa kanya. Nag-igting ang panga ko nang maalala ang pagtatalo namin kanina. Wala na akong magagawa kung ayaw niyang bawiin ang sinabi niya sa 'kin. Kung 'yon ang gusto niyang rason ko, 'yon na lang din ang magiging rason ko sa pagtulong ko sa kanilang mag-ama.

Pinanood ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Ibinaba ko saglit ang cellphone ko.

"Kailangan nating magtago para maprotektahan ka. Tatawagan ko si Jeth, do'n tayo sa resort nila. Hindi tayo mahahanap do'n kaysa sa sa 'min. Babyahe tayo sa sembreak," malamig ang tono kong anunsyo sa kanya. 

Napakislot siya sa napakinggan. Kita ko ang pangamba niya sa plano ko.

"I want to stay. I want to be with Dad," malungkot niyang tugon.

Minasahe ko ang noo ko saka tumingin sa kanya.

"Ang bilin sa 'kin ni Sir Fabellar, itatago kita. Hindi magugustuhan ng ama mo na hindi ka sasama sa 'kin. Baka mapahamak ka."

Umiling siya. Napakinggan ko ang paghikbi niya.

"H'wag iiyak, Sumairu. Kung gusto mong maging ligtas ang ama mo, susundin mo ang gusto niya."

"I can't lose him, Grant."

Niyakap ko siya. "Hindi siya mawawala sa 'yo. Maniwala ka lang."

Sinamahan ko siya sa kwarto niya. Nag-inom kaming dalawa sa balkonahe. Tahimik lang sa isang tabi si Sumairu habang hindi naman matanggal ang titig ko sa kanya.

"What's your biggest fear, Grant?" pagsisimula niya.

Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Ano nga ba ang pinakakinatatakutan ko?

"Na ang katotohanang alam ko ay hindi pala totoo. Hindi ako makapaniwala nang malaman ko sa inyong mayaman pala dati ang ama ko. Nasanay akong naghihirap kami noon sa Mindoro. Tapos malalaman ko na 'yong tatay ko pala na todo ang kayod para sa pamilya namin ay dating mayaman. Para akong binaril sa likod. Ni hindi sumagi sa isip ko na posible 'yon." Ginulo ko ang buhok ko at itinuro ang bote sa kamay ko kay Sumairu. "Ikaw? Anong pinakakinatatakutan mo?"

"Being alone. Losing Dad. He's the only person I have."

"H'wag kang mag-aalala, tutulungan ko kayo. Hindi mawawala sa 'yo ang ama mo. At hindi ka mag-iisa."

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon