Dadating. Mananatili. Lilisan. Babalik.
Isa lang ang hangarin ko bilang manunulat, ang sumulat ng mga malulungkot at masasakit na kuwentong mararamdaman ng mga mambabasa sa bawat pahina ng aking libro.
Pero sa kabila noon, pangarap ko ang magkaroon ng masayang pag-ibig. Ang magmahal ng babae na siguradong pakakasalan at makakasama ko habang buhay.
Ngunit hindi naka-ayon ang tadhana sa aming dalawa.
Kung ga'no ko gustong umiyak ang mga mambabasa ko, gano'n din ang ginawa ko sa pinakamamahal ko. At ang mas malala pa ron, iniwan ko rin siya.
"I will rephrase the answer I told you before. The biggest thing that has happened in my life isn't you, Grant. It was me, alone. That was my life before you. And that's what I want now. Alone. So grant me a wish...break your promise and let me go."
'Yon ang huling linya na sinabi niya sakin noon. 'Yon ang una at huling wakas ng pangakong kailanman ay hindi ko ginustong wakasan. Ang protektahan siya mula sa mga luha niya.
"This will be your biggest break, Grant! Writer ka ng isa sa pinaka-aabangang mga pelikula ng mga Pilipino! Makatatrabaho mo pa ang pinakamamahal mong kaibigan na si Derick Avelino! Ready ka na ba?" masayang bulalas ni Jeth, ang businessman sa apat na kaibigan ko.
Umismid ako habang inaalala ang mukha ng kumag na binanggit niya. "Basta gagalingan niya kamo. I will back out if he didn't. Babalik na lang ulit ako rito sa Canada. At kalimutan na rin niyang makukuha niya 'yong award na pinapangarap niya."
Napabaling ako sa mga flight attendant na bumabalik na sa puwesto nila, signal na maga-aanounce na bago lumipad 'tong eroplano. Bumuntong-hininga ako at nagpaalam na rin kay Jeth.
Babalik na naman ako sa Pilipinas pero walang planong manatili dahil sa mga alalala at pakiramdam na iniwan ko ro'n. Mga alaala kung bakit ako umalis para mag-aral sa Canada.
Halos hindi ko na mapakinggan ang boses ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. It felt like there will be an unexpected twist, just like what happened five years ago.
Kailan ko ba siya makakalimutan? Kapag nakita ko na siyang nakangiti at hindi na umiiyak? O kapag ipinamukha niya sa 'king ako mismo ang nagwakas nang mga pangako ko?
Who am I kidding? I’ll never be ready to see her again. I’ll never be ready to face the only woman who was in every plot I have imagined—the one whom my stories were dedicated to. Sumairu.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...