"Sa'n punta mo, pre?" tanong ni Jeth nang tumayo na ako pagkatapos kumain.
"Pupuntahan ko na si Sumairu. Dadalhan ko ng pagkain." Kinuha ko ang pina-take out ko at bumaling sa kanila para magtanong, "Sa'n na ang punta n'yo?"
"D'yan lang kami sa swimming pool. Hihintayin namin kayo ni Misis mo, ha. Baka kung anong gawin n'yo sa kwarto."
Nagtawanan sila. Binatukan ko nga, lagi nang nang-asar.
"Kasalanan n'yo rin naman. Kung hindi iisa ang kwarto na kinuha n'yo sa 'min, walang pang-aasar na magaganap," kalmado kong tugon. Inayos ko ang hawak sa paper bag at nagpaalam, "Alis na 'ko. Susunod kami mamaya. Sa dagat kami."
Tuluyan na akong lumabas ng restaurant at nagtungo sa hotel. Pagdating ko sa elevator ay may dalawang babaeng pumasok. Lumayo ako para bigyan pa sila ng espasyo. Napakinggan ko ang hagikhik ng katabi ko.
"Ang pogi no'ng nasa likod natin. He's so hot."
"Dear, you should ask him for me. He might be single. I want to get laid tonight."
Nanlaki ang mata ko sa napakinggan. Napahawak ako sa batok ko. Hot daw ako. Napangisi tuloy ako. Nagulat ako nang lumingon ang dalawang babae sa 'kin. Binigyan ko sila ng ngiti.
"Hi, kuya. Are you single?" tanong ng isa sa kanila.
Tumango ako. Sabay na tumawa ang nasa harap ko.
"Are you free tonight? Maybe we can do something amazing?"
Saktong nagbukas ang pinto ng elevator. Nanlamig ako nang makita ang mukha ni Sumairu. Badtrip.
"Ahh...sorry, may gagawin na 'ko, mga Miss," paalam ko bago sila tinalikuran at lumabas na.
Malamig ang mata ni Sumairu nang harapin ko siya. Tinarayan niya ako bago pumunta sa kwarto namin. Ano namang gagawin ng babaeng 'to kaya siya lumabas?
"Nagugutom ka na? Kumain ka na. Nandito na 'yong in-order mo kanina," pagsisimula ko.
Ibinaba ko sa lamesa ang pagkain niya. Inihanda ko 'yon para sa kanya. Naupo naman siya sa upuan. Sinulyapan ko siya na nakahalukipkip at tahimik.
"Ayos ka lang?" pagtatanong ko pa.
Lumunok ako nang hindi niya ako sagutin.
"Sumairu," tawag ko.
Tumingin siya sa 'kin sa wakas.
"May problema ba? 'Yong kaninang away natin, sorry. Hindi na ako magagalit sa susunod. Okay na ba tayo?"
Dahan-dahan siyang tumango. Tipid akong ngumiti at naupo sa harap niya.
"Ngumiti ka na, Sumairu," sambit ko pa.
Ngumiti siya sa 'kin. Nangunot ang noo ko nang makita ang maputla niyang labi.
"Ba't namumutla ka?"
Bumuntong-hininga siya at nagsimula nang kumain. Tinitigan ko siya habang kumakain.
"Okay ka lang ba? Dahil ba 'yan sa period mo?"
Sumulyap siya sa 'kin saka tumango. Sinuklay ko ang buhok ko at tumango rin.
"Sige, tatawag ako ng room service at hihingi ng hot compress. 'Yon lang ba ang kailangan mo?"
"Yes. Thank you."
Tumayo ako at humingi nga ng hot compress. Hindi rin nagtagal ay may kumatok na sa kwarto.
"Salamat po."
Naglakad ako papunta kay Sumairu. Inilahad ko sa kanya ang compress.
"I'll put it," mahinang tugon niya.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...