Tumango rin ako. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong aasahan ko. Magkakaayos ba kami? Mawawala na ba 'tong sakit na nararamdaman ko?
Uminom ako sa alak ko at ibinaba si Tinkerbell. Mas lumapit ako kay Sumairu. Ramdam kong hindi siya komportable. Sinuklay ko ang buhok ko at lumayo nang kaunti. Naramdaman kong magsasalita na siya kaya tumingin ako sa mga mata niya.
"You have all the right to continue to get mad at me," simula niya. Tiningnan niya ako. "I know those words I spat on you in the past were worse and yes, painful. I did it to feel better. That time, I could only think of pushing people away, especially you."
Nag-igting ang panga ko. "'Yon lang ang naisip mong solusyon? Ang itulak ako papalayo sa 'yo?"
She looked at me with her eyes in pain. "I was hurt. More broken than I already was. I was also tired and hopeless. I was close to dying." Bumuntong-hininga siya. Pinanood ko ang pag-inom niya sa alak. "I don't want you to expect more from me. I had to do it. Tell me I'm stupid. That I don't trust you enough. Tell me that I don't have faith in you, I was just...done."
Sa hindi malamang dahilan, bumagsak ang luhang inipon ko noon. Nanikip ang dibdib ko. Parang may nakaharang sa lalamunan ko. Bumagsak nang tuluyan ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan 'yon.
"Ang sakit, Sumairu," simula ko.
Napakinggan ko rin ang pagsinghot niya.
"I'm sorry for the pain I had cost you. The day Dad died, I felt so much lonelier and alone than ever before. I felt like no one wants me anymore."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Ako! Hindi mo ba naisip na gugustuhin pa rin kita, Sumairu?"
Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at pinunasan ang pisngi ko. "Hinayaan kitang sabihin sa 'kin lahat 'yon, Sumairu."
Tumango siya. "I know."
"Kahit alam kong hindi totoo lahat nang isinumbat mo sa 'kin. Ang sakit na marinig sa 'yo na h'wag na kitang mahalin at na kaya mo nang wala ako. May ginawa ba ako sa 'yo para sabihin mong hindi mo na ako kailangan? Alam mong kaya kong ibigay sa 'yo lahat, Sumairu."
Pumikit ako nang mariin at hinayaang bumagsak ang tubig sa mga mata ko.
"I didn't regret saying that to you. Look at you now, you're so successful and you deserve more."
Humarap ako sa kanya. Ibinagsak ko ang bote sa lamesa at mas humarap pa sa kanya.
"Walang sinabi ang daang libro na isinulat ko at ilang milyon mang taga-suportang meron ako ngayon kung wala ka naman sa buhay ko, Sumairu." Pinisil ko ang kamay niya. "Aanhin ko sila kung ikaw ang hinahanap-hanap ko? Aanhin ko ang tagumpay ko kung ikaw lang naman magpapasaya sa 'kin?"
Nangilid ang luha niya. Bago pa tumulo ang mga luha sa pisngi niya ay pinigilan ko na 'yon ng daliri ko.
"Mahal na mahal kita, Sumairu. Hanggang ngayon, hindi ka pa rin ba naniniwala? Hanep, gagawin ko ang lahat para maiparamdam ko sa 'yong mahal kita. Kailangan ko bang bumili ng maraming aso para sa 'yo? Kailangan ko bang gumawa ng libro tungkol sa 'yo? Kailangan ko bang sumigaw sa buong mundo na mahal na mahal kita?"
Umiling siya. Ikinuyom ko ang kamao ko at lumapit sa kanya. Binuhat ko siya at pinaupo sa binti ko. Dinala niya ang bisig sa balikat ko. Bumilis ang paghinga ko.
"What do you want me to do to make you believe that you deserve more, Smile? What do you want me to do to make you believe that I want you than anyone else?"
Niyakap niya ako nang mahigpit. Para akong nilamon ng init ng Sumairu ko. Ibinalik ko sa kanya 'yon. Hinaplos ko ang ulo niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...