Chapter 23

24 3 0
                                    

Kumain muna kami sa restaurant bago bumalik sa hotel. Nakasalubong pa namin sina Jeth na kakain din daw. Pagbalik namin sa hotel ay pumasok si Sumairu sa kwarto niya.

Kinuha ko naman ang cellphone ko sa sofa para i-check 'yon. Ibinaba ko rin 'yon at nahiga saglit. Napaupo ako nang lumabas sa kwarto si Sumairu.

"Bakit?" tanong ko agad.

Mabilis ang paghinga niya nang ilahad sa 'kin ang cellphone niya. Nagsalubong ang kilay ko sa maraming missed call na natanggap niya sa mga kasambahay.

"Do you think everything is alright?" nag-aalalang tanong ni Sumairu.

Hinila ko siya paupo sa tabi ko. "Tatawagan natin sila pabalik."

Tumango lang siya. Hinawakan ko saglit ang kamay niya at pinisil 'yon. Tipid siyang ngumiti.

Nag-ring ang kabilang linya hanggang sa mapakinggan namin ang boses ng kasambahay.

"Kumusta po?" pagsisimula ko.

"Sir? Nandiyan ho ba si Ma'am Sumairu?"

Tiningnan ko si Sumairu. "Opo. May nangyari po ba?"

"Ay, Sir! Si Sir Fabellar po, at ang ama n'yo, nasa ospital. Kanina pa po namin kayong tinatawagan. Kailangan n'yong bumalik. Pumunta na po ang mayordoma ro'n sa ospital para bisitahin sila."

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Ano pong nangyari? Maayos lang po ba si Sir Fabellar at ang ama ko?"

Sumulyap ako kay Sumairu. Nagbabadya na ang pagtulo ng luha niya. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay umiling ako. Suminghot siya at tumango.

"Nasa kritikal na kondisyon po si Sir Fabellar. Hanggang ngayon ay nasa operasyon pa rin siya. Dalawang beses raw hong natamaan si Sir Fabellar."

Tuluyan nang humagulhol si Sumairu. Niyakap ko siya nang mahigpit bago ako kumuha ng gamot niya.

"Please, let's go back."

Tumango ako. Bumalik ako sa pagtawag sa kasambahay.

"Ang sabi ho ng pulis parehas na bumaril ang dalawang Salazar. Hawak na raw ho sila ng mga pulis. Kailan kayo babalik dito, Sir?"

Sinuklay ko ang buhok ko at sumulyap kay Sumairu. Pinapakalma ko siya kanina kaya lang ay hindi niya mapigilang isipin ang kaligtasan ng ama niya.

"Pakakalmahin ko muna si Sumairu. Kumusta raw po si Papa?"

"Isa po ang tama ng ama mo. Nasa sariling kwarto na po siya at kakausapin ng mga pulis kapag nagising na raw ho."

Nagpaalam din ako. Nakita ko si Sumairu sa kwarto na nag-iintindi ng mga gamit niya. Binalingan niya ako. Nakainom na siya ng gamot. May mga pula na naman ang pisngi niya at leeg. Buti na lang at hindi siya gaanong nahihirapang huminga. Sana ay hindi na siya umiyak pa.

"Tatawagin ko si Jeth para magpahatid sana. Dito ka lang," seryosong paalam ko sa kanya.

Nakaupo na siya ngayon at bumubuga ng hangin. Nalulungkot ako para sa kanya pero alam kong lalaban si Sir Fabellar. Hindi niya iiwan ang anak niya nang mag-isa rito.

Tumalikod muna ako sa kanya para lumabas ng hotel room. Kumatok ako sa kabilang kwarto. Nakita ko agad ang dalawa na naglalaro.

"O, bakit, pre?" bungad ni Ced.

Lumapit ako sa kanila. Sinuklay ko ang buhok ko at mabigat ang dibdib na humingi ng tulong sa kanila. Tumigil naman agad sila sa paglalaro.

"Kumusta na raw? Tara na," si Jeth.

Don't Cry, SumairuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon